Chapter 20

968 64 20
                                    

WEST

Nang imulat ko ang mga mata ko, napansin ko ang maliit na unang sinasandalan ng ulo ko sa bintana. May malaking jacket rin na nakakumot sa balikat ko pababa sa katawan. When I glanced at Atom, nagmamaneho pa rin siya. Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. 

“You’re up already,” walang tingin-tingin niyang sabi. Saka ko lang napansin ang mga pagkain at inumin sa gitna namin nang makita siyang kunin ang isang takeaway cup ng kape. Uminom siya roon saglit. “I thought you said, anim na oras kitang maririnig magsalita? ‘Yon pala, anim na oras kitang maririnig na humihilik.” Ngumisi siya at umiling habang nakatuon pa rin ang atensyon sa kalsada. Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya at hindi agad nakasagot. “Kung nagugutom ka, kumain ka lang d’yan. I bought coffee and burgers earlier. Kalahating oras pa bago tayo dumating sa Zarate.” Sabi niya. 

“Salamat…” nahihiya kong sagot at tinanggal ang nakakumot sa aking malaking jacket. Sigurado akong kanya ito. Pati ang maliit na unan. “Salamat rin sa mga ‘to.” Nakangiti kong sabi. “At sa concern.” Hindi ko napigilang idagdag. 

Doon pa lang napasulyap sa akin si Atom. “Anong concern na pinagsasasabi mo?” napangisi siya. “Panay ang tunog ng pagtama ng ulo mo sa bintana, nakakairita, kaya nilagyan kita ng unan. Saka kanina, parang mamamatay ka na sa lamig at nanginginig. Ayokong mamatay ka sa akin kaya kinumutan kita ng jacket.” Paliwanag niya na hindi mo mahahalata kung seryoso ba o sarcastic. “Concern..” umiiling pa nitong bulong.

“Salamat pa rin.” Sabi ko at kinuha ang walang bawas na kape. “At dito sa kape.” Nakangiting sabi ko sabay inom mula sa cup. Hindi niya ako tinugunan. 

Kahit naman itanggi niya, alam kong concern talaga siya sa akin. Hindi naman siya mag-aabalang gawin ang lahat ng ‘yon kung hindi. May nalalaman pa siyang mga excuses. Isa pa, the fact that he bought us food means he actually cares. 

Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng pag-init na naman ng pisngi ko. Noong una, pinagdudahan ko ang kabaitang mayroon siya–kung mayroon ba talaga siya no’n–pero nang tumagal at nakilala ko pa siya, nalaman kong hindi rin naman pala siya gano’n kasama. Kaya rin siguro unti-unti ko siyang nagustuhan. 

Dumating kami sa syudad ng Zarate pasado alas onse na ng umaga. Sa hotel kung saan kami naka-book ay doon kami dumiretso. Sa iisang kwarto lang kami inilagay dahil dapat naman talaga ay isa lang per attendee. Pinalusot lang na dalawa kaming a-attend pero ‘yong mga perks ng tour, pang-isang tao lang rin. 

Hindi kami nagtagal roon dahil nang mailagay ang mga gamit namin sa loob ng kwarto, kinailangan na rin naming umalis para sa first seminar at tour na magaganap ng ala una ng hapon. With all the registrations and stuff, kinailangan naming pumunta agad sa venue. 

Kasama ng temporary identification card, binigyan rin kami ng isang tour booklet kung saan nakasaad lahat ng mga activities at lugar na pupuntahan namin sa loob ng tatlong araw na pananatili sa Zarate. Pati ang schedule ng mga ito. Naroon na lahat.

We attended the first seminar about Biological Farming at s’yempre, sa buong duration no’n, halos makatulog ako sa pagkabagot at tanging si Atom lang ang nakikinig. Hindi ko na matandaan ‘yong huling beses akong umupo sa isang seminar ng lagpas dalawang oras. Takte, napakaboring! Ayaw na ayaw ko ngang nakikinig sa mga lectures sa school tapos dito, mapipilitan akong makinig?

Gusto ko na ngang bumalik sa hotel kaya lang, hindi raw pwede sabi no’ng facilitator. Napagalitan pa ako ni Atom. Ayoko namang ma-bad trip ulit siya sa akin nang sobra kaya wala akong choice kundi magbehave. 

Pagkatapos ng boring na seminar na ‘yon, sakay ng isang modern jeep, lahat ng attendees ay bumiyahe papunta sa pinakamalaking plant sanctuary sa Zarate. Siguro ay bente minutos rin ang layo no’n mula sa venue ng seminar. Isang oras naman ang layo mula sa hotel. Iyon ang unang lugar na nakasaad sa booklet kung saan kami itinour. 

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now