Chapter 6

951 59 0
                                    

WEST

Alas sais pa lang nakabihis na ako. Simple lang ang pormahan ko ngayong gabi. Itim na t-shirt na yumayakap sa biceps ko at maong na pantalon na bagay sa suot kong puting sneakers. Lumabas na rin ako mula sa barn at nagtungo sa labas ng bahay ng mga Miller. Sa labas ay may mahabang upuan. Doon ako umupo habang hinihintay si Crizelle. Inulit nito sa akin kanina ang imbitasyon ng kaibigang si Vika. Sasabay na ako sa kanila gamit ang kotse ni Mr. Miller patungo sa bahay ng mga Alejo. Hindi naman raw 'yon kalayuan mula sa farm pero hassle kung lalakarin.

Bumukas ang pintuan ng bahay at nakangiti akong lumingon sa pag-aakalang si Crizelle ang makikita ko. Nabawasan ang saya ko nang makita si Mr. Miller. May dalang mga kagamitan na sa tingin ko ay ibabalik sa storage barn. Nakita ko kasi itong lumabas roon kaninang tanghali dala ang mga 'yon. Binati agad ako ng matandang lalake nang mapansing nakaupo ako sa labas.

"Looking good, hijo." Napangiti ako sa compliment ni Mr. Miller. "Sasama ka ba kina Atom at Crizelle papunta sa mga Alejo?" masayang tanong niya. "Maraming chicks roon."

Natawa ako at umiling sa biro ng matandang kaharap. "Inimbita po ako ni Vika. Hindi naman ako nakatanggi dahil ang sabi, may alak raw." Biro ko't natawa siya. "Kayo ba, Mr. Miller? Hindi po ba kayo sasama? Ayaw niyo ba ng chicks?"

"Lokong bata 'to," halakhak niya. Natawa ako sa reaksyon niya. "Kayo na lang mga bata ang pumunta roon. Matanda na ako para sa mga party na 'yan." Aniya. Tinanguan ko lang ito. "Maigi rin na sumama ka roon, para siguradong makakauwi 'yong dalawa mamaya." Sabi niya na nagpalito sa akin.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Bakas sa mukha ni Mr. Miller ang pag-aalangan na sagutin 'yon. "Ano kasi...itong si Atom kapag—"

"Dad," biglang dumating ang binanggit ng matanda. Nakabihis na rin ito. Nakatingin siya sa tatay niya, nakasimangot, bago ilipat ang tingin sa akin. Dumoble ang pagsimangot niya. "And where are you going?"

Tumayo ako mula sa kinauupuan.

Nakangiti ko siyang tiningnan, s'yempre, plastik pa rin. "Sa birthday party ni Vika. Inimbita niya ako."

Mukhang hindi makapaniwala si Atom sa narinig mula sa akin. Nagtataka akong hindi niya alam ang tungkol roon. Hindi ata siya na-inform? Halata ang pagkagulat sa nakasimangot niyang itsura.

"No, she didn't."

"Yes, she did."

"Bakit ka naman iimbitahan no'n? She doesn't even know you." Asar niyang sabi.

"Well, she talked to me earlier and invited me to her party." Pang-aasar ko pa sa kanya. "We're friends now."

"And what's wrong with that, anak?" pagsingit ni Mr. Miller at tinapik ang balikat ko. Nginisian ko si Atom. "Mabuti ngang kasama niyo si Westley para may magmamaneho ng kotse kapag—"

"Oh, come on, Dad." Pagputol ni Atom sa tatay. Mukhang dumoble ang iritasyon. "Pag-uusapan na naman ba natin 'yong nangyari last time?"

"I'm just saying that—"

"Don't even go there, Dad."

Napahinga nang malalim si Mr. Miller. Si Atom naman, kunot-noo pa ring nakatingin sa kanya. At ako, nandito lang ako, nakikinig sa gilid. Hindi ako makasunod sa pinag-uusapan nila o kung saan 'to papunta. Ang alam ko lang, nagagalit 'tong si Atom dahil hindi niya lubos akalaing kasama nila ako ngayong gabi sa party ni Vika.

"I just want you to be safe, son. I don't want it to happen again." Sabi ni Mr. Miller kay Atom na dismayado lang siyang inilingan. "Kaya kung magkasiyahan man at maparami ang inom mo, at least, nandoon si Westley. Pwede siyang magmaneho." Tumingin sa akin ang matanda. "Hindi ka naman siguro iinom roon nang sobra, hijo, tama?"

Definitely! Not Straight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon