Chapter 38

869 56 2
                                    

WEST

Matagal kong tinitigan ang powerbank na nakapatong sa lamesa kaharap ang couch na kinauupuan ko. 

Tuwing titingnan ko ito, si Atom ang naaalala ko. He let me keep it. Saksi ang powerbank na ipinahiram niya sa akin kung paano kami nagsimulang dalawa. 

It helped me keep my phone from dying when I was still at the farm. Ganoon rin si Atom. Para siyang isang powerbank. Sa bawat araw na itinagal ko roon, binigyan niya ako ng maraming energy para tumagal at hindi mabagot. Ginawa niya ‘yon nang hindi niya namamalayan. 

He gave me all his energy. At tulad ng isang powerbank, alam kong nauubos rin siya. Nawawalan ng enerhiya. Siguro oras na para ibalik ko ito sa kanya. It belongs to him after all. 

Kinuha ko ang powerbank mula sa lamesa at tuluyan nang tumayo para lumabas ng apartment. Sumakay ng ako ng motor at umalis. 

The night Atom left my apartment was the last time I saw him. 

Simula noong umalis siya noong gabing ‘yon, saka ko lang na-realize kung ano ‘yong nawala sa akin. I also realized how much he means to me. And how much I want to fight for him. For us. 

Sa loob ng isang linggo, ilang beses akong pumunta sa farm, in hopes of seeing him, pero mukhang sadyang ayaw niya akong makita at makausap. 

Kung ‘di siya umalis at wala sa farm, si Crizelle na mismo ang humaharap sa akin para sabihing ayaw akong makita ng kapatid niya. She knows what’s going on between me and her brother. I told her. Siya rin ang tulay ko para iparating ang mga gusto kong sabihin kay Atom. 

Hindi ko naman masisisi si Atom kung ayaw niya akong harapin at kausapin. I let him leave that night. Nasaktan ko siya noong gabing ‘yon. I felt how sincere he was with his feelings for me and yet, nagmatigas pa rin ako, at nagpadala sa takot. I never told him what I really felt for him that night. Ngayon, ako naman ‘yong nagsisisi. 

Kailangan ko muna siguro siyang bigyan ng panahon para makapag-isip. Maybe time is what we both need. Time away from each other. Pansamantala. 

Nang makababa ako ng motor, agad na sumalubong sa akin si Crizelle. May matipid itong ngiti sa akin nang tuluyang makalapit. Halata sa itsura niya ang lungkot habang tinitingnan ako. Marahil ay dahil pang-anim na balik ko na rito, hindi pa rin ako hinaharap ng kapatid niya. And she’s getting tired of it. 

“Umalis si Kuya Atom kasama sina Mang Domeng at Uncle Rence,” iyon ang unang sinabi niya kahit wala pa akong itinatanong. Siguro ay nasanay rin siyang tuwing pupunta ako rito, si Atom agad ang hahanapin ko. “Baka mamaya pang hapon sila bumalik. Dala nila ‘yong truck, eh. May hahakutin raw na mga farm supplies.” Pagbibigay ni Crizelle ng detalye sa akin. 

Nginitian ko siya. “Okay lang, Crizelle.” Sabi ko. “Hindi rin naman ako pumunta rito para kausapin ang kuya mo.” Dagdag ko kaya’t nagulat siya. “I’m just here to return this. Can you give this to him?” inabot ko ang powerbank kay Crizelle. 

Tinanggap niya naman ito at nagtatakang tumingin sa akin. “Oo naman pero pwede namang ikaw na ang magbigay sa kanya mamaya kung makakapaghintay ka pa, Westley.” Sabi niya sa akin na agad ko ring inilingan. “Sigurado akong hindi na siya makakaiwas sa ‘yo mamaya ‘pagdating nila. Pwede kang maghintay sa loob ng bahay.” Alok pa nito. 

“Hindi na, Crizelle.” Pagtanggi ko. “Ayokong mabigla siya na nandito na naman ako. Kung hindi pa siya handang kausapin ako, hindi ko siya pipilitin. I know he needs time.” Sabi ko pa. Lumungkot ang mukha ni Crizelle. “Isa pa, aalis na rin naman ako bukas ng umaga.” Iyon ang nagpabago ng reaksyon niya. 

“Aalis ka? Saan ka pupunta, Westley?”

Matipid akong ngumiti. “Uuwi muna ako ng Baler, pansamantala.” Sabi ko at inilibot ang mga mata sa paligid ng farm. “Doon muna ako for two months. Babalik ako bago ang graduation.” Nang tingnan si Crizelle, bakas ang pag-alala sa mukha nito. 

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now