Chapter 5

1K 58 8
                                    

WEST

Signs na gusto kang pahirapan ng farm boss mo—well, he's not actually my boss-boss—you know what I mean? He just happens to be the son of the owner of this farm...and the one who supervises me in this not-so special internship.

As I was saying, ito ang mga signs. Number one. Magsisibak ng pagkarami-raming kahoy tapos uutusan kang buhatin lahat para dalhin sa storage barn. As in, lahat, batch by batch. Using only your hands and your shoulders. Walang trolley o kahit anong kagamitan na magpapagaan ng trabaho mo. Buhat kung buhat! Number two. Hindi ka pa tapos, inuutusan ka na agad. At number three, hindi mo pa natatapos 'yong dalawang magkasunod niyang utos, may pangatlo na siyang utos, at pang-apat, panglima...and so on and so forth. 'Langya! Ang tindi, 'di ba?

"And done!"

Napaupo ako sa lupa sa loob ng barn nang ibagsak ang huling batch ng mga kahoy rito. Pangsampung balik ko na 'yon. Tumatagaktak ang pawis ko mula ulo hanggang leeg habang nakatuon sa lupa ang magkabilang kamay sa likuran ko. Basang-basa na rin ang suot kong damit. Nakatingala ako sa bubong ng malaking kamalig habang hinahabol ang paghinga. First day pa lang pero parang mahihimatay na ako sa sobrang pagod.

Akala ko, ang pagpapakain sa mga hayop at paglilinis ng kulungan nila ang pinakamahirap na gagawin ko ngayong araw. Hindi pa pala 'yon. Takte, hindi ko akalaing sampung beses akong magpapabalik-balik sa loob ng storage barn pasan-pasan ang mabibigat na kahoy. Bukod roon, maya't maya rin ang pagtawag sa akin ng gagong 'yon sa pagitan ng pagbubuhat ko ng mga kahoy, para lang utusan akong mag-abot ng kung anu-anong bagay na pwede namang siya na lang ang kumuha gamit ang sarili niyang mga paa. That Atom really has a big problem with me. Mukhang nanggagago, eh. Gamit na gamit ang pagmamando. Nakakalalake.

"I beg you, give me more strength to stay in this hell-like place," nakapikit kong dasal habang nakatingala pa rin. "And also, beer na rin. I could really use a cold drink right now." Dagdag ko pa. "Please..."

"Salita no more, I got you!"

Napamulat ako at halos mapatayo agad-agad dahil sa gulat nang marinig ang matinis na boses na 'yon. Nakita kong nakatayo sa gilid ng pinto ng barn ang isang babae, the one who arrived with the two guys earlier, na sa tingin ko ay mga tropa ni Atom. Mga kaibigan rin siguro ni Crizelle.

Nakita ko kasi silang nag-uusap kaninang lima bago ako utusan ni Atom at bago sila tuluyang pumasok sa malaking bahay. Nang lumabas si Atom kanina, siya na lang mag-isa. Hindi ko na nakitang lumabas kasama niya sina Crizelle at 'yong tatlo. Pagkatapos no'n, doon na nagsimula ang kalbaryo ko. Ang walang katapusang utos after utos ni Bossing Atom.

Tumayo na ako.

Minasdan ko siya. Nakasuot siya ng green crop top, maong na palda, and an impossible to not notice pair of green tassel earrings. Gumagalaw 'yon sa bawat paggalaw ng ulo niya.

"Sorry! Did I...like for real, takot you?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Umiling ako sa kanya habang pinoproseso pa rin ang pagkagulat at ngayon, ang paraan niya ng pagsasalita. "Hindi naman," napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung bakit siya nandito....with an accent like that.

Nakangiti na siya ngayon. Bigla siyang tuluyang pumasok sa loob ng barn at agad akong inalok ng pakikipagkamay. "Hi! I'm Avika pero you can tawag me naman Avi or Vika kung where you mas comfortable. I am, like for real, Atom and Crizelle's kababata." Natulala ako habang nakatingin sa kanya at sa kamay nitong naghihintay na tanggapin ko. This girl is different. I mean, her accent. It's giving...different and weird conyo vibes. "I'm so nangangalay na here. Ayaw you ba?"

"Sorry, sorry. I'm We—"

"Yeah, I know kung sino you, ikaw si Westley. Mang Domeng's kapalit here sa Miller Farm." Pagputol niya sa akin nang kamayan ko siya. Abot-tenga ang ngiti niya. Nangunot ang noo ko. Kilala na agad ako ng babaeng 'to? "Crizelle told me na agad about you. By the way, mas close me with her than with her step-kuya, 'cause we're like matalik na friends since elementary." Napatango-tango na lang ako matapos ang kamayan habang nangingiti. "Anyway, bago ko ma-forget! I overheard ikaw earlier na you want to inom beer. So—"

"Vika!"

Nawaglit ang mga mata ko sa babaeng kaharap, ganoon rin siya na naantala sa pagsasalita, nang pareho kaming mapatingin sa sumigaw mula sa labas ng barn. Nakita ko ang dalawang lalakeng kasama niya kanina. 'Yong isa, mukhang ka-vibes ni Atom, itsurang bugnot at hindi mo mabibiro. Habang 'yong isa naman, maamo ang mukha at nakangiti.

"Oh, hello, guys! You're nandito na pala. Come, come! I'll make pakilala the two of you kay Westley—"

"Vika, no. Let's go." Seryosong sabi nung lalakeng mukhang bad trip, nahawa ata kay Atom. Masama ang tingin sa akin, e. "Uuwi na tayo."

"Not until I make pakilala you to Westley," humarap siyang muli sa akin nang nakangiti. "That lalake you just heard is my older kapatid, but I don't tawag him 'kuya'. His pangalan is Kent. Best friend naman him ni Atom." Tiningnan ko 'yong Kent. Kuya niya 'tong mukhang papasang kapatid ni Atom? Sabagay, kung best friend sila, hindi na nakapagtatakang nahawaan siya ng ka-bad tripan no'n. Kunot-noo itong tumingin sa akin. Napatingin naman ako sa katabi niya. "And that lalake naman, beside Kent, is Reggie, my other matalik na kaibigan and Crizelle's kaibigan as well. Parang we're like trio talaga!" Natatawa akong napatango sa masayang pagpapakilala nito sa lalake.

"Hi, Westley." Sabi ni Reggie.

Tinanguan ko ito nang nakangiti. "Hi."

"Tapos na?" bagot na tanong ni Kent sa kapatid. "Marami pang kailangang ayusin sa bahay. Nasabihan mo na sina Atom at Crizelle, we're done here. Tara na." Sabi pa nito.

"Wait, I was making imbita pa Westley to go to my birthday party mamayang gabi." Nagulat ako sa sinabi ni Vika. Humarap siya sa akin. "It's my 20th kaarawan today, like, for real. There'll be maraming foods there, promise. And the one you were making hiling to the Lord earlier, beers. Pumunta you, ah?" nakangiting imbitasyon niya sa akin.

Nagulat man sa biglaang imbitasyon, napilitan akong sumagot. "Happy birthday..." awkward kong bati habang nakangiti sa babaeng ngayon ko lang nakilala pero inimbitahan na agad ako sa birthday party niya. The thought of having to drink beer later excites me. "Uhm..."

"Hindi papayag si Atom," hindi na ako nakapagsalita pa nang biglang sumingit si Kent. Napawi ang ngiti ko nang tumingin ito sa akin nang masama. "Isa pa, huwag kung sino-sino ang iniimbita mo. Hindi naman natin kilala 'yan."

"Kent," si Reggie. Hinawakan ang walang modong lalake sa braso. "It's Vika's birthday, not yours. It's her call." Napikon ata lalo ang kapatid ni Vika.

"Yes. Reggie's tama. So, pwede, Kent? Don't make pakealam? You're so epal talaga like your best friend." Nirolyohan ni Vika ng mata ang kapatid. Napailing na lang si Kent. Napangisi ako nang palihim. Serves him right. "Isa pa, Crizelle makes payag for me to invite Westley to MY party. I know na hindi you kayang kontrahin si Crizelle because she's your—"

"Fine! Do what you want, Vika." Pagputol at pagsuko nito sa kapatid. Napailing na lang si Kent bago tingnan ako na puno ng iritasyon. "Now, let's go." Tawag niya kay Vika bago tumalikod at naglakad paalis.

Masayang nakatingin si Vika sa akin. "Paano? I'll kita you sa party ko later at 7 pm with those dalawa!"

"Yeah, sure." Pagkumpirma ko. "Thanks for the invite and nice to meet you, Vika." Nakangiting sabi ko.

"Likewise! Bye na, Westley!" she waves at me. Hinila na niya ang nakangiti't naghihintay na si Reggie sa labas ng barn.

Parang napawi ang pagod ko kanina after meeting 'the conyo girl' Vika, na kababata nina Atom, at best friend ni Crizelle. Tingnan mo nga naman. Sinong mag-aakalang gano'n kabilis, maiimbita ako sa isang birthday party, at iinom ng beer? Hindi na masama para sa unang araw, na nakakapagod, sa special internship na 'to kung 'yon naman ang kapalit.

That Reggie guy seems nice, too.

Kaya lang, mukhang katulad ni Atom, hindi ako gusto no'ng Kent—ang kuya ni Vika na mas mukhang kapatid ni Atom, na best friend rin ni Atom, at mukhang katulad rin ni Atom, hindi ko makakasundo.

And speaking of Atom...

"Tatambay ka na lang ba d'yan buong araw?" sumulpot ito bigla sa harapan ko. Galit...na naman. "Get back to work!"

Napawi ang ngiti sa mukha ko nang makita at marinig siya. For a moment, I forgot that I still have a few more hours to work under his unjust supervision.

Plastik akong sumagot. "Roger that, boss!"

x

Definitely! Not Straight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon