MTAG- CHAPTER 37

46.3K 1K 46
                                    

HANNAH’S POV

 

Pagkatapos namin kumain si Unggoy sya na ang nagprisinta na magligpit ng pinagkainan namin tapos sabi nya ihanda ko na daw yung sarili ko.

Inayos ko na yung sarili ko. Nung una hindi pa ako maka pili ng susuotin ko. At dahil hindi naman ako sure kung date ba talaga to o sadyang bored lang si Unggoy kaya nagyayayang lumabas. Simple lang yung suot ko. Pagbaba ko nakita ko na si Unggoy nahinihintay na lang ako. Simple rin naman ang suot nya so hindi talaga to date nagyaya lang sya.

“oh Pusa saan mo gustong pumunta?”tanong nya

“hmmm ako ba talaga ang tinanong mo?”

“hmm ahuh?”sabi nya at nag nod sya.

“sabi mo yan ah akong bahala sayo pero gastos mo lahat okay?”sabi ko at ngumiti sya

Lumabas na ako ng gate ng bahay namin at nakita ko yung expression ni Unggoy na nagtataka

“oh unggoy ano pang ginagawa mo tara na”sabi ko sabi ko at nag hand gesture pa ako na pinapalapit sya

“saan mo naman balak pumunta? Akala ko ba may pupuntahan tayo edi kukunin ko na yung sasakyan”sabi nya pero pinigilan ko sya

“ano ka ba aalis nga tayo bakit di ba pwedeng gamitin yung paa?”tanong ko sa kanya

“aish sige na sige na”sabi nya

Sabay kaming naglakad. Bakit ang weird ng mga kinikilos ni Unggoy ngayon? Pinagluto na na ako tapos ngayon pinagbibigyan nya ako sa mga gusto ko. Di pa naman end of the world diba?

Taputol yung pag-iisip ko ng biglang hawakan ni Unggoy yung kamay ko >///<. Tiningnan ko yung kamay namin tapos tiningnan ko sya pero nakatingin lang sya ng diretso at nakita ko yung mga labi nya na nakangiti.

Dubdub dubdub dubdub

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatigil ako sa paglalakad at dahil nga nakahawak si Unggoy sa kamay ko napatigil din sya at saka nya ako tiningnan.

“oh bakit ka na pahinto?”tanong nya at tiningnan ko yung kamay namin at mukhang na gtes naman nya yung gusto kong iparating.

“Can I have a favor?”tanong nya at hindi ako umimik

“Silence means yes. So pwede bang hawakan ko yung kamay mo?”tanong nya >////< kyaaah ano na naman ba ito. Kinikilig ako. Nag nod na lang ako bilang sagot

Nilakad namin palabas ng subdivison. Paglabas namin ng subdivision.

“Maglalakad lang ba tayo?”angal ni Unggoy

“kaya nga nandito tayo sa may waiting area kasi mag hihintay tayo ng masasakyan”sabi ko sa kanya

“tingnan mo to kanina aangal ka na gamitin yung sasakyan tapos ngayon pinagtitiisan mo na maghintay. Kakaiba ka rin no”sabi nya. talaga tong lalaking to napaka reklamo. Biglang may humintong jeep

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon