MTAG- CHAPTER 23

47.8K 1K 32
                                    

CHAPTER 23

2 years after

XANDER'S POV

2 years na kaming nag sasama ni Pusa. Sa loob ng 2 years na yun maraming nagbago. Simula ng umalis ng bansa si Ate, bumalik na ang lahat sa dati pero may iba. Hindi ako sanay sa pagbabago na yun.

Nagbago si Pusa simula ng gabing nakita ko s'yang umiiyak 2 years ago. Hindi na s'ya yung dating Pusang kilala ko, hindi na s'ya yun.

Kasi nagbago na sya. Hindi na s'ya yung kilala kong Pusa na maingay kasi kung kailan mo s'ya tatanungin doon ka lang n'ya kakausapin. Akala ko nga noon may sakit s'ya pero nagdaan ang ilang linggo ganoon pa rin sya hanggang sa dumating na yung dalawang taon. Nasanay ulit ako na hindi maingay ang bahay.

Nagbago na rin s'ya kung dati late na s'ya umuuwi dahil kasama n'ya si Damara galing Mall, ngayon na uunahan n'ya pa ako sa pag uwi. Nung minsan naunahan ko s'yang umuwi at nagtaka ako kasi dating pagkauwi at pagkauwi nun kakain yun pero ngayon nagkukulong na s'ya ng kwarto at kung dati hindi s'ya marunong maglock ngayon naglolock na sya at pinalagyan pa nya ng isa pang lock.

Kung dati s'ya yung kilala kong tao na kung makatawa wagas ngayon nakikita ko lang yung smile n'ya pagkasama n'ya si Damara at hindi na s'ya tumatawa ng malakas. Kapag naman nag di-dinner kami tahimik lang s'ya. Pero ang maganda ngayon na seseryoso na s'ya sa pag-aaral n'ya. Halos uno ang grade n'ya ngayon.

Sa loob ng dalawang taon hindi ko tinatanong sa kanya kung anong nangyayari sa kanya. Pakiramdam ko iniiwasan n'ya ako. Pero kung iniiwasan n'ya ako, anong dahilan?  

I miss her.

Yeah I know that I shouldn't miss her because I can see her everyday. What I really miss is the Cat who makes me smile secretly. Yung pusa na masarap asarin, yung happy go lucky. Yung babaeng hindi ata kumpleto ang araw hindi s'ya magiingay. Yung babaeng nasisilipan mo dahil sa kagagawan ng hindi marunong mag lock ng pinto. Yung babaeng kung dati malakas tumawa ngayon limitado na ang tawa n'ya. I miss my Cat. Damn I miss that annoying cat. 

Did I do something wrong to she change her this way?

Sa loob ata ng dalawang taon s'ya lang ang nagbago. Kasi ako ganoon parin nalalate umuwi at kung minsan nakainom pa.

Malapit na pala ang graduation namin ni Pusa alam ko may honor s'ya. I don't know if Magna Cum laude or Summa Cum Laude?

"pare ano ng balak mo n'yan after graduation?"tanong ni Jed

"Hindi ko pa alam"sabi ko

"ako syempre kinuha na ako ni dad sa company namin pero magpapahinga muna ako ng 6 months siguro tour muna ako ng makapagrelax naman" sbai ni Erick

"Oo nga noh! Sama tayo dyan p're"sabi ni Jed

"Ayoko kayo na lang saka walang kasama si Pusa sa bahay"Sabi ko

"Wow pare sa loob ng 2 taon ngayon ko lang narinig na nag-aalala ka sa kanya ah"sabi ni Jed

"H-hindi ah! B-baka kasi magalit yung lolo n'ya eh"sabi ko

"Oi pare punta kami mamaya ni Jed sa bahay n'yo ah! Ang sarap kasi ng luto ni Hannah"sabi ni Erick

"Oo nga! Ang swerte mo! Kaya pala lumalaki ka ng ganyan ah"sabi ni Jed

"Ulol! Bahala kayo tingnan ko lang kung kausapin kayo nun"sabi ko

"Oo nga p're ano ba talagang ginawa mo dun at nagka ganun yun ah?" tanong ni Erick

"Hindi ko rin alam"sabi ko at speaking of the Cat

Dumaan s'ya sa harap namin, papunta ata sa library pero wala syang kasama, wala ata yung makulit n'yang bestfriend.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now