MTAG- CHAPTER 47

41.3K 987 18
                                    

HANNAH'S POV

Pagkatapos nung mga nalaman namin ni Unggoy tungkol sa mommy nya lagi nya, lagi na lang syang nasa tabi ko na parang guard ko. Ewan ko ba sa kanya kung bakit nagkakaganun yun. Pero mas gusto ko na yung lagi syang nasa tabi ko pero minsan syempre naghihiwalay din kami lalo na pag may pasok, basta lagi na lang nya akong pinapa-alala sa mga bagay na pwede kong ikapahamak.

"oi Pusa..." bigla syang lumapit sakin habang ako nag susuklay sa harap sa salamin. Nakatingin lang ako sa kanya mula sa salamin

"hmmm?"

"wala kang bang naalala?"

"huh? Wala naman, ano bang meroon na dapat kong maalala?"tanong ko sa kanya at nakita kong lumungkot mukha nya

"ah wala, hindi yun importante kaya wag mo ng intindihin"sabi nya ta ngumiti sakin. lumapit sya sakin at kinuha nya yung suklay sa kamay ko at sya na yung nag suklay sa buhok ko.

>///< namumula ako kasi ngayon nya pa lang ako sinuklayan.

"ah Unggoy ko... ako na kaya ko naman suklayan ang sarili ko"sabi ko at tila parang wala man akong sinabi dahil pa tuloy pa din sya sa pagsuklay sa buhok ko

"buti na lang pala at hindi ganito kahaba yung buhok naming mga lalaki"bigla nyang sabi

"bakit naman?"

"eh ang hirap pa lang suklayan ng mga mahahabang buhok"sabi nya

"eh sanayan lang yan saka sinabi ko naman kasi sayo na ako na ang magsusuklay"sabi ko at hindi na sya umimik. Pinatong ni Unggoy yung buhok sa isang balikat at naramdaman kong hinalikan nya yung batok ko at ang huli nyang hinalikan ang balikat ko

O___O

>///<

Ring ring ring!!

Biglang nag ring yung cellphone ni Unggoy kaya nabasag ang namumuong tensyon at katahimikan saming dalawa. Omega!! Why?what?where?when?how? ngayon nya palang ako hinalikan sa parteng yun

Agad akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot dahil sa ayaw ko munang makita si Unggoy dahil nahihiya ako sa kanya. Nang naramdaman kong pumasok na ulit ng kwarto si Unggoy agad kong pinikit ang mata ko at nagpanggap ng tulog.

"Pusa..."hindi ako sumagot at naramdaman kong binaba nya yung kumot hanggang balikat ko.

"tulog ka na pala" gusto ko na syang barahin ng 'obvious ba?' pero syempre hindi pwede kasi nga nagtutulogtulugan lang ako

"hay nako... pasensya ka na kanina mukhang nagulat sa nagawa ko at kahit din naman ako nagulat ako. Nawawala talaga ako sa sarili ko pag nakikita kitang lalong gumaganda sa bawat kilos mo. Hay nako para naman akong baliw kinaka usap ko ang taong tulog. Good Night Asawa kong Pusa"sabi nya at hinalikan nya ako sa noo ko at kinalaunan ang pagpapanggap kong tulog tulog ay nakatulog na talaga ako.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon