MTAG- CHAPTER 57

39.2K 742 9
                                    

HANNAH’S POV

Napagpasyahan namin ni Xander na mag vacation kami kasama syempre ang anak namin sa isang beach resort. Ang masasabi ko lang sa lugar na’to ay WOW ang ganda super! Kung pwede nga lang dito na lang kami tumira pero masyadong malayo ‘to sa Manila.

“Paano mo nahanap ‘tong lugar na’to?”tanong ko kay Xander

“Yung isang client namin ang may ari nito and then he decided to make this place as our agreement. So our company holds 30% share of this resort. Agad akong pumayag sa agreement namin dahil this place is so beautiful and that time I agreed in our agreement I promise to myself na dadalhin kita kita dito sa oras na makita ulit and now kasama pa natin ang anak natin” sabi nya at hinalikan nya ako sa noo. I smiled back.

“Daddy!”

“Yes? Xenon?” kinarga nya si Xenon

“Pwede na po ba akong mag swim?”

“Later Xenon, ayusin muna natin yung mga gamit natin”sabi ko

“Okay mommy”sabi nya at saka na sya nagpababa at tumakbo dun sa rest house namin. Yeah kay Xander yung rest house na yun.

Pagkatapos namin ayusin yung mga gamit, nagpalit na ako ng damit ko. Loose T-shirt and short lang yung suot ko.  Wala na akong lakas ng loob para mag two peace simula nung nanganak ako. Lumabas na kami ng rest house and tumakbo yung magtatay papuntang dagat at lumangoy samantalang ako pinagmamasdan ko lang sila. Rinig na rinig ko ang tawa nilang dalawa.

“kyaaaah tingnan mo girl”

“awww ang sweet namin ni kuya dun sa kapatid nya”

“oo nga at ang hot lang ni Kuya”

Rinig ko yan dun sa mga babaeng nasa likuran ko kahit medyo malayo, hindi naman kasi bulong ginagawa nila talagang sadyang nakalunok lang sila ng megaphone kaya ganyan ka lakas ang mga boses nila. Tsk! ‘to kasing lalaking ‘to bakit maliligo na lang ng topless pa!

“Mommy! Tara ligo ka na din!” sigaw ni Xenon habang nakasampa sya sa likod ng daddy nya

“Ayoko! Kayo na lang ng DADDY MO!” sigaw ko at talagang in-emphasize ko yung word na Daddy Mo ng malaman ng mga babaeng nasa likuran ko lang di  kalayuan na may anak na yung pinagnanasahan nila.

Biglang lumapit sakin si Xander.

“Pusa?”

“oh? Bakit?”tanong ko. Umupo sya sa tabi ko at sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.

“bakit ayaw mong magswimming?”

“huh? Wala lang saka natatakot akong lumangoy sa malalim hanggang dyan lang ako sa pangpang”sabi ko. Ayaw ko talagang nagswi-swim sa dagat kasi iniisip ko paano kung malunod ako tapos napunta ako sa lalim na parte at hindi na nila ako tuluyang makita! Ayaw ko magkaganoon ang kamatayan ko! Siguro Phobia ‘to sa mga lalalim na lugar.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now