MTAG- CHAPTER 13

48.3K 1K 21
                                    

CHAPTER 13

HANNAH'S POV

>///< arrgghhhh sira ulo talaga tong Unggoy na'to

Nakakahiya tuloy >///<

"Oi nag blush ka pusa"sabi nya

"Sira! Blush-on lang yan!" sabi ko at umiwas ako sa kanya ng tingin. Ang totoo n'yan feeling ko namumula talaga ako. Ang init kasi ng mukha ko!

"Sus! Nahiya ka pa! Alam ko naman na in love ka na sa akin"sabi nya at bigla nya akong niyakap, yung baba nya nakapatong sa balikat ko at nararamdaman ko yung hininga nya

>///< *dub! dub! dub! dub!*

Shiiit! yung puso ko!

"H-hoy! Unggoy! Umalis ka na nga dyan! Nakakahiya oh pinagtitinginan tayo"sabi ko at tiningnan yung mga tao na nakatingin samin at nakangiti

"bakit asawa naman kita ah" pabulong n'ya sabi sa may tenga ko

Si Unggoy ba to?? bakit ganyan sya magsalita parang parang ang S-W-E-E-T nya?

>///< pwede ba unggoy umayos ka baka mamaya di ko namalayan na nahuhulog na ako at natatakot ako na baka pag nahulog ako sayo ay hindi mo ako saluhin

"oi lasing kaba?" sabi ko nanatili parin kaming nagsasayaw kahit ganoon ang posisyon namin

"hindi ah. Oi anong regalo ko ?"tanong nya

"ah nasa kwarto. Excited ka! Mamaya na lang pagka uwi"sabi ko

"ano naman kaya yun? Nasa kwarto diba?" tanong n'ya

"Oo nga"

"Ibig sabihin bibigyan mo na ako ng baby?"

a-anong sinabi nya?? B-baby?

O__O!

Bigla nya akong hinalikan sa leeg ko at nagsitayuan naman ang lahat ng balahibo ko sa dahil sa ginawa n'ya. Naitulak ko s'ya bigla kaya natanggal yung pagkakayakap n'ya sa akin.

Nang tingnan ko s'ya may nakita ako sa labi nya. Isang pilyong ngiti

"hahahaha si pusa ang pula nya hahaha" tawa nya

Unbelievable tumawa ang isang masungit na tao. Oh Lord katapusan na po ba ng Mundo? Wag naman po.

"Oh bat gulat ka dyan?"tanong nya

"a-ah ano ka ba wala ka na naman sa tamang pag iisip mo kaya nasasabi mo yan" pagpapaliwanag ko bigla naman nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko at umatras naman ako

"sa palagay mo tototohanin ko yung sinabi ko? IN YOUR DREAMS "sabi nya at bumalik na sya sa table ng mga kaibigan nya

Haiiiiish! Yabang talaga!! Nakaka inis!!

Bumalik ako sa table nina papa at mama saka kay daddy at kay lolo

(daddy= father of Xander)

"Ang sweet nyo kanina ha? Keep it up, apo" sabi ni Lolo

Ngumiti na lang ako sa kanya

Sweet ba ang tawag doon? Eh para minamanyakan na ako eh

XANDER'S POV

"sa palagay mo tototohanin ko yung sinabi ko? IN YOUR DREAMS " sabi ko sa kanya at ngumisi saka ako bumalik sa table nila Erick

"Ooy grabe ah! Makayakap ka wagas"sabi ni Erick

"bakit ASAWA KO naman sya ah!?" sabi ko at saka ako uminom ng wine

"so pinaninindigan mo na ASAWA MO na sya ah" pang-asar na sabi ni Jed

Ngumisi lang ako at uminom na naman ng wine

"oi pare wag kang masyadong magpakalasing at baka di matuloy ang HONEY MOON nyo ni Hannah"sabi ni Erick na may nakakalokong ngiti

"ulol ayoko sa babaeng yun masyadong brutal baka mamaya mapatay ako nun ng wala sa oras" sabi ko

Ayun nag kwento lang sila sa pagba-bar nila na tila nagpapa-inggit dahil matagal na rin akong di nakakapag bar. Hay nako eto ang ayaw ko eh yung nandito si daddy at hindi ako makagawa ng kalokohan at idagdag mo pa na nandito rin ang parents ni Pusa at 2 days silang mag-iistay dito sa manila pero hindi sila sa bahay namin ni Pusa tutuloy.

*After the celebration....

Naka uwi na rin kami ni Pusa sa bahay at take note kaming dalawa lang ang nandito sa bahay. Si manang Alicia kasi nag resign na dahil kailangan daw s'ya ng mga anak nya. Tapos sabi naman ni tanda (lolo ni Hannah) hindi na daw sya mag hi-hire ng katulong para naman daw matuto kami ni Pusa sa mga gawaing bahay.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit pantulog

Bumaba ako sa first floor at pumunta ako sa kusina para gumawa ng kape para mahimasmasan ako, medyo naparami din kasi ang na inom ko kanina.

Pagkatapos kong uminom na kape umakyat na ako papuntang kwarto ko pero bago ako makapasok sa kwarto ko may narinig akong hikbi sa tapat ng kwarto ko at alam kong si Pusa yun. Parang ang sakit ata nung iyak nya

Bakit kaya??

Tinapat ko yung tenga ko sa pinto ng kwarto ni Hannah para marinig ko kung anong nangyayari

"hay Ethan bakit ganoon 6 years na ang nakakaraan simula no'ng umalis ka. Nakaka inis!! Na iinis ako sa sarili ko bakit kahit tatlong taon na bakit di parin kita makalimutan"sabi ni Pusa

Sino si Ethan? Boyfriend n'ya kaya?? Eh kung ganoon kawawa naman pala sya.

"Tapos ngayong araw na 'to yung dapat pang 6th anniversary natin kung 'di mo ako iniwan pero ang malala pa, ngayong araw na to ako kinasal."sabi nya

Ilang minuto na rin nakatapat yung tenga ko sa may pinto pero wala na akong naririnig kaya binuksan ko ng bahagya yung pinto

Tumingin ako sa may kama ni Pusa ang kaso wala sya doon kaya binuksan ko na ng tuluyan yung pinto at nakita ko sya na nakahiga sa may lapag at hindi pa talaga nagpalit ng damit nya

Binuhat ko sya papuntang kama n'ya at kinumutan sya wala akong balak palitan ang damit nya. Baka gyerahin nya ako bukas kaya wag na lang.

Pinag masdan ko si Pusa at may nakita akong luha sa gilid ng mata nya kaya pinunasan ko yun. Mahal n'ya nga siguro yung lalaking yun.

Bago ako lumabas sa kwarto nya hinalikan ko muna sya sa noo at

"Sorry..." that's the only thing I can do to her, to say sorry. We both don't want this set-up, but we don't have other choice.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon