MTAG- CHAPTER 14

46.9K 1K 15
                                    

CHAPTER 14

HANNAH'S POV

 

Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na nang gagaling sa bintana ko kaya agad akong bumangon dumiretso sa Cr at naligo ako

Pagkatapos kong maligo syempre pinunasan ko yung katawan ko ng mapansin kong hindi pala ako nagdala ng damit ko kaya isinuot ko muna yung robe ko at lumabas sa Cr pumunta ako sa may closet ko at humanap ng masusuot.

Huhubarin ko na sana yung robe ko at hanggang balikat ko na yun ng biglang

"AAAAAH! WALANG HIYA KA LUBAS KA!"sigaw ko sa kanya sabay tapon ko ng damit ko sa pag mumukha nya at bigla sya lumabas ng pinto

Bigla bigla na lang pumapasok. Tao ba yun bakit hindi marunong kumatok? Ah oo nga pala isa syang Unggoy, matrain nga mamaya bwahahahaha. Pero kahit ganoon NA IINIS PARIN AKO SA KANYA! Arrrg!

Pinulot ko yung damit ko at napansin kong may nawawala ng biglang bumukas na naman yung pinto pero this time kamay lang ang naka pasok

"eto sumabit sa ulo ko. Tsk!"sabi nya at talagang niwagayway pa ang bra ko ng bastos kaya ang ginawa ko

"ARAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYY!!!!! WHAT THE---!!!!" sabi nya

Inipit ko lang naman yung kamay n'ya sa pinto at kinuha yung bra ko

"Ano? Anong sinabi mo? Sige tuloy mo ang dapat mong sabihin para matuluyan na rin 'tong kamay mo"sabi ko at inipit ko na ng kaunti ang kamay n'ya sa pintuan dahil upang mapangiwi ulit s'ya sa sakit.

"A—ARAY! WHAT THE.......... Pakpak  kokorokok "sabi nya at ginaya n'ya pa ang tunog ng manok

Hahahaha! Wala pala sya eh.

Niluwagan ko na yung pinto at agad naman n'yang inalis yung kamay nya kaya naman agad ko ring nilock yung pinto.

*

Pagkatapos ng mga nangyari kanina at pagkatapos ko na ring ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako sa may first floor at nakita ko na naman yung si Unggoy na nasa may sofa at may hawak na ice bag

"oh na pano ka?"tanong ko at lumapit ako sa kanya

"nagtanong ka pa talaga ah? Tsk!"sabi nya habang nakatingin sa may braso n'ya at hinihipan ito.

*Puk

"Aray ko aah! Nakakarami ka na! Kapag ako naa--" tumabi sa kanya at kinuha yung ice bag.

"patingin nga"sabi ko at hinawakan ko yung right hand nya

XANDER'S POV

"patingin nga "sabi nya at kinuha nya yung right hand ko

"aray" daing ko ng ipahid n'ya yung ice bag. Talagang sinasadya n'ya diinan yun eeh! Naasar na ako! 

"yan kasi ang napapala ng mga katulad ko"sabi nya.

Muli niyang idinampi ang ice bag sa may bandang wrist ko at this time marahan na n'yang dinadapi ito. Namula kasi yun eh paano para talaga akong puputulan ng kamay kanina. Hindi ko naman alam na nagbibihis sya eh

"Diba may kontrata tayo baka nakakalimutan mo dun na may nakasulat na bawal pumasok sa kwarto ng may kwarto"sabi nya at inihip nya yung kamay ko

"tsk papalitan ko na yun tutal kasal na rin tayo kaya madaming magbabago"sabi ko

"at ano naman ang connect dun kung bagong kasal tayo ah"sabi nya at diniinan nya yung kamay ko

"a-aray oo na oo na" na nahimik na lang ako baka mamaya kung ano ng gawin ng brutal na to

Natapos na rin nyang gamutin yung kamay ko

"oo nga pala hindi ako marunong magluto"sabi ni Pusa habang papuntang kusina

"oh bakit mo sinasabi sakin yan?"sabi ko

"edi magluto ka na! Alang naman ako? Hello! Hindi nga ako marunong mag luto diba?"

"Sus problema ba yun? Edi mag padeliver" pagmamalaki ko

"Tanga mo din noh? Hindi naman basta basta nakakapasok yung mga delivery dito sa subdivision." she rolled her eyes.

"Anong sabi mo? Ako tanga? Nagpapatawa ka?"

"ay hindi! Sige ako ang tanga!"

"Okay! Ikaw naman pala eh" sabi ko. Tiningnan n'ya ako ng matalim. Mga ilang segundo din iyon.

Lumabas ng kusina si Pusa at ilang minuto lang aybumalik na s'ya na may dalang papel at ballpen. Umupo sya sa harap ko.

"gagawa tayo ng bagong Rules dito sa bahay"sabi nya

"sige ikaw na ang bahala dyan"sabi ko at humiga ako sa sofa

Ilang minuto lang natapos na rin sya

"oh eto na konti lang naman to eh"sabi nya

"patingin nga"sabi ko at inabot naman nya yung papel sakin

1.  Bawal pumasok ng kwarto ng iba

2.  Walang pakialaman kung ano ang gustong gawin sa buhay ng isa't isa

3.  Linisin ang sariling kalat at sariling kwarto

4.  Paghahatiin natin ang mga gawaing bahay

5.  Ang hindi sumunod sa mga ito... magbabayad ng kalahati ng yaman na mamamana nya sa mga magulang

"aba bakit kailangan kalahati ng mana sa mga magulang!?" angal ko

" tatlong beses kang sumuway dyan ibibigay agad ang 50% share mo sa akin"sabi ni Pusa

"ok sige ganoon lang pala kadali eh "sabi ko at pinirmahan ko na yung papel at pinirmahan nya narin 'to

"so ako ng maghahati sa mga gawiing bahay dito"sabi ni pusa

"ako ng bahala sa garden, sala, at kusina pero hindi ako magluluto dahil nga hindi ako marunong"sabi nya

"at ikaw naman bahala sa garahe, storage room, at cr."sabi nya

"Cr!? Ayoko nga!" angal ko

"ok 1st violation" warning nya

"hindi joke lang yun"sabi ko naman agad.

Arrrghhh mautak talaga tong babaeng 'to hindi maisahan!

"sige na umpisahan na ang paglilinis"sabi nya

At ayun inumpisahan ko muna dun sa garahe. Hay nakita ko na naman ang pinaka mamahal kong Bmw m6. Regalo ni daddy sakin kahapon color red.

Pagkatapos ng garahe sa storage room na man ayun linis linis lang saka konti pa lang naman yung mga gamit dito kaya madaling matapos

And lastly...

Nagsuot ako ng rubber gloves, nilabas ko din yung raincoat at sinoot ko yun. Nagkabit din ako ng face mask sa mukha ko! Kaasar! Ang iniit! Pero kailangan kong tiisin!

"Kukuha na lang ako ng maid!!!" sigaw ko.

"Anong sinabi mo?" tanong ni Pusa mula sa likuran ko kaya naman napaharap ako sa kanya. Nakita ko s'yang may hawak hawak na mga panlinis ng Cr.

"Oh eto! Wag ka ng umangal d'yan. Tsk!" binigay na n'ya ang mga gamit at akmang aalis na s'ya ng matingin ulit s'ya sa akin.

"Mukha kang engot sa mga pinagsusuot mo. HAHAHAHA!" saka na s'ya umalis.

Kinuha ko yung eskoba at sinimulan ko ng linisin yung toilet.

"AAAAAH! BWISIT KANG BABAE KA!" sigaw ko habang nagbabrush

"Mas bwisit ka engot na Unggoy!" Sigaw n'ya mula sa labas.

Makakaganti rin ako. Hintayin mo lang! Bwahahahaha-- eeeeh kadiri talaga!


MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now