MTAG- CHAPTER 58

32.4K 655 11
                                    

Hannah’s POV

 

Dumaan ako sa bahay ni Vanessa para kunin si Xenon.

“Mommy!” tumatakbong papalapit sakin ni Xenon.

“Hi tita!” bati sakin ni Sofia

“hello, Peypey!”

“Mommy! Nandito na po si Tita Hannah!” sigaw ni Vanessa at bumaba na din ng hagdan.

“Hannah, bakit mo pala iniwan si Xenon dito?”tanong nya

“ah nakipagkita ako kay Ethan” sabi ko

“so iniwan mo ang anak natin para makipagkita sa kanya” gulat kong nilingon ang pinaggalingan ng boses.

“May pinag-usapan la—“

“halika na umuwi na tayo”sabi nya sa lumabas na sya

“Salamat Vanessa at pasensya na din sa abala. Halika na Xenon” lumabas na kami ni Xenon at sinakay ko si Xenon sa may likod habang ako dun ako sa tabi ni Xander.

Buong byahe kaming hindi nagkikibuan at si Xenon nakatulog na sa sobrang pagod siguro. Pagdating namin ng bahay, binuhat ni Xander ang anak namin at saka nya pinasok sa kwarto. Hinintay ko sya sa labas ng kwarto ni Xenon. Pagkalabas nya nilagpasan nya lang ako at pumasok sa kwarto namin. Pumasok na din ako.

“Xander…” hindi nya ako pinansin at pumasok sa Cr.

Ano na naman bang problema nun, simula nung matapos yung lunch date namin di na nya ako kinaka-usap ng maayos. Dahil ba sa singsing? Dahil ba kay Ethan? Tsk! Bahala nga sya! Basta ang alam ko wala akong kasalanan na ginagawa para dedmahin nya ako ng ganito! Nakaka-asar sya! Arrrrrg! Kumaha ako ng pampalit na damit. Pumunta ako dun sa kwarto ni Xenon at dun ako nagbabad sa bath tub. Ilang minuto siguro ako nakababad dun bago ako tuluyan natapos. Pumasok na ako ng kwarto namin. Pagpasok ko, si Xander nandun sa may study table nag la-laptop and for sure naman na about na naman sa trabaho yung ginagawa nya. Napabugtong hininga na lang ako, kahit na ayokong matapos ‘tong gabing ‘to na hindi kami nagkaka-ayos wala akong choice , may pride pa din ako. Wala akong ginawang kasalanan noh! Humiga ako sa kama at pinikit ko na yung mata ko.

“So matutulog ka na lang ba talaga at hindi natin aayusin yung problema? Ganyan ba talaga kataas yang pride nyong mga babae” napamulat bigla ako at napa-upo sa kama. Nakakunot na yung noo ko

“Problema? Pride?! Tanong ko sayo! Sinong mas ma pride satin at sino ang may problema sa’ting dalawa huh!?” ewan ko pero nagagalit ako, hindi sa kanya kundi sa mga sinasabi nya!

“Sinasabi mong ako yung ma-pride ngayon at ako ang may problema?”mahinahong sagot nya pero alam kong pinipigilan nya yung sarili nya.

“What the!? Ano bang problema mo!? Kanina ka pa! Pagkatapos nang Lunch natin di mo na ako kina-usap ng matino at ngayon ganito na lang! Mag-aaway na lang tayo?!”

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now