MTAG- CHAPTER 48

35.8K 720 15
                                    

After 2 weeks

 

HANNAH’S POV

 

Dalawang linggo na yung nakalipas ng gabing may mangyari samin, niminsan hindi pumasok sa isipan ko na magsisi sa nangyari in fact naging mas caring si Unggoy sakin at mas naging sweet sya sakin. At may good news pa, after a week ng birthday ni Unggoy kinuha na sya ni daddy (Father of Xander) para mag trabaho sa company, at pumayag na rin sya. Nung una pa nga ayaw nya kasi daw magagabihan daw sya lagi ng uwi at ayaw nya akong maiwan ng mag-isa dito sa bahay lalo na paggabi na pero pinilit ko na rin sya na tanggapin na yung trabaho tutal dadating din yung time na kailangan na talaga nyang tulungan yung company nila. Hindi ko na nga sya nakaka-usap minsan kasi pagkalabas nya ng school daretso na sya sa company at minsan uuwi na lang sya tuwing madaling araw pero naiintindihan ko naman yun eh

“Oh Unggoy musta araw mo?”tanong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok nya.

“Nakakapagod…”matamlay na sabi nya at saka sya umupo sa may sofa. Ako naman punta sa may likuran nya at inumpisahan ko syang i-massage yung balikat nya

“ayan nawawala na yung sakit ng katawan ko”sabi nya

“aysus nambola ka pa”sabi ko

“Pusa ko..”

“oh?”

“baka lately mas malate ako ng uwi dahil sa mga gagawin na trabaho at hindi ko din maiiwasan na baka di na ako maka-uwi dito sa bahay”sabi nya at nalungkot ako pero mas tinatagan ko yung loob ko

“ah okay lang sakin yun, bibisita na lang ako dun”sabi ko

“nag-aalala ako sayo kasi wala kang kasama. Gusto mo na dito na lang muna tumira si Mama (mom of Hannah)?”

“hindi wag na saka walang mag-aasikaso kay Papa kung dito titira si Mama saka okay na rin ako papasama na lang ako kay Mara minsan dito”sabi ko

“pero…”

“aish wala ng pero  okay na ako dun saka malaki na ako eh wag mo kong masyadong bini-baby baka hanap-hanapin ko yan sige ka”sabi ko at ngumiti ako sa kanya at ganun din sya nginitian nya ako

After 3 days

Konting panahon na lang at malapit na kaming mag graduate!! Sa wakas makapagtrabaho at magkakaroon na ako ng pera na hindi galing sa mga magulang ko. Tatlong araw ko ng hinihintay si Unggoy na umuwi ng bahay tulad nga ng sabi nya baka hindi na sya maka-uwi dahil sobrang daming ginagawa sa trabaho nya

Nandito ako ngayon sa bahay nakatambay kalalabas ko lang ng school.

“Grey mingming”tinawag ko si Grey at agad naman syang lumapit. Binuhat ko sya at pumunta ako sa kusina para pakainin sya.

“Grey namimiss ko na si Unggoy”

*meow*

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now