MTAG- CHAPTER 46

42.6K 921 31
                                    

CHAPTER 46

(continuation lang po ng nangyari last chapter)

XANDER’S POV

 

“ang totoo nyan patay na sya” O_O

“a-ano pong ibig mong sabihin?”tanong ko. Papaanong nangyari yun?

“eto sya diba?”may ipanakita yung tita ko bale na isang photo album, pagkabukas ko alam na alam ko na na sya nga talaga yun dahil medyo hawig ko sya.

“namatay ang Mommy mo 16 years ng nakararaan”sabi ni Tita. Lalong napakunot ako ng noo dahil naguguluhan na ako.

“pero ang sabi ni Dad naghiwalay daw sila”sabi ko

“huh? Hindi mo na ba natatandaan?”

“ang alin?”tanong ko naman. Meroon ba akong mga importanteng bagay na nakalimutan ko?

“Siguro nga nalimutan mo na iyon dahil matagal na panahon na rin naman ang nakalipas. Naalala ko pa yung mga pangyayaring naganap noon.” Sabi ni Tita

Naradaman kong hinawakan ni Pusa yung kamay ko at tiningnan ko sya sa mata at para bang may sinasabi sya na ‘andito-ako-wag-kang-mag-alala’ ganyan yung nakikita ko ngayon sa mga mata nya. Kaya mahal kong Pusang to eh, hinding hindi nya ako iiwan at syempre ganun din ako sa kanya. Napakalaking tanga ko na lang pag-iniwan ko sya.

(flashback na lang natin yung nangyari pero Kwento pa rin nung tita ‘to noh means wala pang-alam si Xander dito)

THIRD PERSON’S POV

FLASHBACK

 

“mommy!!” lumapit ang batang Xander sa kanyang Nanay

 

“oh bakit birthday boy?”

 

“Mommy, I want to go amusement park with Chingket (Vanessa)sabi nya

“but baby. Hindi mo ba nagustuhan yung party mo?” tanong ng kanyang nanay

“I like it but I want to play with Vanessa” maktol na sabi ng bata

“baby, next time na lang okay. Enjoy first the party, little boy”  inasikaso ulit ng nanay ang mga bistang paparating. Dahil isang munting bata lamang si Xander, hindi nya ma-iwasang maasar o magtampo sa nanay nya. Lumabas ng  gate ang bata ng hindi namamalayan ng mga magulang nito ngunit meroon sa ilang mga kalaro nito ang nakakita sa batang tumatakbo papalabas.

 

Makalipas ang ilang minuto

 

“I’m calling my son Xander to come here. Baby boy punta ka na rito, you need to blow your candle so that your wish will come true” anunsyo ng Ginang sa mikropono. Isang minuto na ang nakalilipas ngunit hindi parin ito nagpapakita

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now