MTAG- CHAPTER 12

48.1K 1.1K 38
                                    

CHAPTER 12

XANDER'S POV

Ito na! Ang araw na hindi ko inaasahan na darating pa! At sana 'di na lang dumating pa!

"Hey bro! Congrats and condolences"sabi ni Erick

"Yeah I know -_- "sabi ko

"Finally! Makikita ko na rin yung sinasabi mong panget na babaeng yun"sabi ni Jed

"Lumayas na nga kayo sa tabi ko! Bad trip na nga ako pinalala n'yo pa"sabi ko sa kanila

"Eto naman 'wag ka ng mag emote dyan, dahil tuloy na tuloy na yan hahahaha!"sabi ni Erick

hindi ko alam kung bakit naging kaibigan ko 'tong dalawang 'to. Wala na silang magawang tama ngayon tapos nagiging mas abnormal pa sila! Tch!

Mayamaya lang bigla ko ng narinig ang kampana ng simbahan. Hudyat na iyon.

"Oh nandyan dyan na daw yung bride mo"narinig kong bulong ni Dad sakin

Haaaay... wala na talagang atrasan 'to!

Napatungo na lang ako. Naririnig ko ang pagtunog ng piano at cello. Tinutugtog nila ang kantang "A Thousand Years". Sh!t ang pangit ng kanta! Di bagay para sa okasyon na'to! Hindi bagay sa aming dalawa! Isang minuto na ata akong nakatungo nang marinig ko ang ilang mga bulong mula sa bisita.

"What a beautiful girl!"

"Sayang at hindi na lang ang anak ko ang pinagkasundo sa kanya"

At dahil sa mga narinig ko napatingin ako sa tinutukoy nila.

O__O s-si P-pusa ba yan!? A-ang g-ganda nya! Nooo! Erase erase! Hindi sya m-maganda! P-panget sya! Panget!

*Dugdug! Dugdug!*

Arrrg! Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko!? Bakit parang kinabahan ako bigla!? Bakit tila nagpapawis ang mga palad ko? Kailan pa ba ako naging pasmado!?

Nakatingin lang ako kay Pusa. Kahit gusto ko mang iiwas ang tingin ko sa kanya, hindi ko magawa. Parang may sariling utak ang mga mata ko. Kumukurap pa ba ako? Anong nangyayari? Habang papalapit ng papalapit si Pusa sa akin, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Yung kanta na ang pangit pangit kanina para biglang naging maganda sa pandinig ko. Naging maganda ang kanta dahil sa kan-- sh!t ano ba 'tong sinasabi ko!?

"Bro, yung ngiti mo!" sabi ni Jed

"Grabe, bro baka naman mapirat ng yang labi mo sa sobrang ngiti mo" iniba ko ang ekspresyon ng mukha ko at tinignan ko sila ng masama.

"Mga g*gu! Manahimik nga kayo!" pero sh!t yung totoo? Maganda si Pusa. Ngayon nga lang. Ngayon lang! Bukas hindi na!!! 

Nang makalapit na sina Pusa kasama ang daddy n'ya ay iniwas ko ang tiningin ko kay Pusa. Tinignan ko ang daddy n'ya at nakatingin din naman s'ya sa akin. Lumapit s'ya sa akin at bumulong.

"pinagkakatiwalaan kita kaya sana ingatan mo anak ko "sabi ni Mr. Cruz

tumango na lang ako at nilapitan ko si Pusa. Pinorma ko ang braso ko para makakapit si Pusa sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Pusa.

"Kinakabahan ka?" tanong ko. Sinubukang kong hindi manginig ang boses ko kahit na sobrang kinakabahan ako.

"H-huh? Hindi noh!" angal n'ya. Tch.

Naglakad kami papunta sa pari. Ito na mag sisimula na.

At nag simula na nga yung ceremony...


MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon