MTAG- The Last Chapter

62K 1.2K 192
  • Dedicated kay Sa Nag Babasa nito! Salamat!
                                    

The Last Chapter 

Pumasok ng coffee shop si Xander para ipahinga nya saglit ang kanyang sarili. Umorder sya ng ma iinom at tinapay na rin. May nilabas syang isang journal at ballpen galing sa bag nya. Nagsulat sya ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari ngayong araw na'to.  

"ahmm excuse?"napatigil saglit si Xander sa pagsusulat at tiningnan kung sino ang nag salita. Isang babae na payat ay hindi sobrang payat pala. 

"Yes?" 

"pwede po ba akong makishare dito sa table mo?" tanong ng babae at ngumiti ito. Tumingin muna sa paligid ng coffee shop si Xander at nakita nyang wala na ngang bakanteng upuan. 

"Ah sige" sabi ni Xander at ngumiti sya pabalik sa babae. 

"Salamat" umupo na ang babae sa tapat ni Xander habang sya naman ay pinagpatuloy na ang pagsusulat.  

'ngayong araw na'to pumunta ako sa hospital at nagpa check-up...

"hmmm pwede po ba akong magkwento sayo?" napatingin bigla si Xander sa babaeng nakaupo sa tapat nya.  

"huh?" nagtatakang tanong ni Xander. 

"okay lang naman kung ayaw mo" malungkot na sabi ng babae at pinagpatuloy na ang pag-inom nya sa kape nya. Nakunsensya naman si Xander 

"ah hindi, sige okay lang na magkwento ka, makikinig ako" sabi ni Xander habang nililigpit nya ang gamit nya sa bag. 

"talaga?" nakangiting tumango si Xander.  

"Alam mo po kasi Kuya..." naantala ang babae sa pagsasalita ng biglang nagsalita si Xander 

"remove the 'po' nagmumukha na akong 80 years old nyan eh" sabi ni Xander 

"okay. Ang totoo nyan hindi ako pwede sa lugar na'to" 

"bakit?" 

"bawal kasi akong ma exposed sa bacteria at mga viruses dahil may sakit akong blood cancer or leukemia pero don't worry hindi naman nakakahawa yung sakit ko" 

"Kaya pala..."pasang-ayon nasabini Xander. 

"Kaya pala na ano?" 

"kaya pala ang payat mo akala ko sadyang nakakalimutan mo lang kumain or diet ka kaya ganyan yung katawan mo" sabi ni Xander. 

"Hahaha ganun talaga eh, nung hindi pa ako nagkakasakit sexy ako hahaha joke lang" nagiging komportable na ang dalawa sa pag-uusap nila. Hindi mamawala kay Xander ang pagkakaroon ng Sense of Humor dahil nakuha nya pang makipagbiruan sa babae kahit na ngayon nya lang ito nakita at nakilala.  

"Tumakas lang akong sa hospital dahil sa loob ng dalawang taon ng paggagamot sakin ngayon lang ulit ako nakalabas." 

"Ano na bang ang kalagayan mo ngayon? Gumaganda naman ba?" 

"Ang masasabi ko lang, sadyang parang pinaglalaruan na lang ako ng tadhana. Nasa last stage na ako ng cancer ko, ewan ko ba excited maglibot ang mga cancer cells ko sa katawan ko kaya ang bilis nila kumalat. Kahit na nagki-chemotherapy ako parang walang epekto. Naasar nga ako minsan sa mga taong nasa paligid ko" 

"bakit naman?"  

"hindi ko kasi alam kung totoo yung pinapakita nila sakin dahil alam nila na malapit na akong mamatay kaya nagbabait-baitan sila sakin dahil naawa sila sakin. Mas gugustuhin ko na lang mamatay agad kasya sa nararanasan ko yung hirap na'to" Ayaw ko na kinaaawaan ako. Ikaw ba na aawa ka sakin noh?  

"hindi naman kasi maalis sa tao yun, maawa at maawa sila sa mga taong alam nila na mahina na at walang ginawa sa buhay kundi lumaban lang nang lumaban sa bawat araw na dumadating para lang malapasan ang unos sa araw na yun. Ikaw ba hindi ka pa ba naawa kahit minsan?"  

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon