MTAG- CHAPTER 49

34.3K 747 24
                                    

After 1 week

Nakakalungkot lang dahil isang linggo na ang nakalipas ng magbago ang ikot ng mundo ko, hindi ko akalain na dadating sa punto na ganito ang nangyari. Alam ko na lahat lahat. Alam ko na kung bakit hindi umuuwi si Unggoy sa bahay dahil balak nya akong isupresa, may pinapagawa syang bahay at gusto nya sya daw ang magdidesenyo kaya hindi na sya nakaka-uwi. Ang nangyari sa aksidente ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ay may bata sa may gitna ng daan at iniwasan nya yun kaya sumalpok sya sa may poste at ang worse may paparateng pang kotse at nabangga nya yung sasakyan ni Unggoy.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi pa talaga sya kinuha sakin, pero kahit ganoon feeling ko parang wala din sya dahil makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Isang linggo na sya comatose ang sabi ng doktor may na damage daw na parte ng utak ni Unggoy pero hindi naman daw malala pero hindi parin namin tiyak kung kailan sya magigising.

Nandito ako ngayon sa ospital sa room ni Unggoy.

"Unggoy ko" hinimas himas ko yung kamay ni Unggoy. Alam ko kasi nanaririnig nya ako kahit Comatose sya

"Mahal ko gising ka na oh....miss na miss na kita" sa tuwing kinaka-usap ko sya hindi ko mapigilan ang luha ko para ba silang may mga paa

"gising na kasi sa araw araw na lumilipas na mimiss kita at sa araw araw nasasayang yung oras na dapat ay masaya tayong magkasama" hinaplos haplos ko yung mukha nya. Sobrang laki na ng pinayat ni Unggoy. Malapit na rin yung graduation namin at sana makaabot si Unggoy dun.

Ring ring

Tumayo ako at pumunta sa may sofa kung saan na kalagay yung bag ko at kinuha yung cellphone ko, pinunasan ko muna yung pisngi ko at inayos boses ko bago sagutin yung tawag

"Hello"

(Hannah anak musta na?)

"Okay naman po ako Mama"

(si Xander anong lagay nya?)

"Ayun po wala pa ring pagbabago, hindi parin sya nagigising tulad ng dati"

(ganun ba, hayaan mo anak alam ko na may awa ang Diyos at alam ko na pagsubok lang ang mga nangyayari sa inyo ngayon kaya tatagan mo ang sarili mo ah)

"Okay po mama, Salamat po at lagi kayong nakasuporta sakin"

(yun lang naman ang magagawa naman sa ngayon eh, ang suportahan. Pahinga ka na lang anak ah wag mong pababayaan sarili mo at baka pag gising nyang asawa mo magalit yun samin dahil baka akala nya pinababayaan ka namin)

"haha opo mama sige po bye bye na po. I love you ma"

(I love You too anak, tawag ka lang pagmay kailangan ka ah)

"opo sige po bye bye"

Pagkatapos namin mag usap ni Mama umupo ulit ako dun sa may upuan sa may gilid ng kama ni Xander. Hinawakan ko yung kanang kamay nya at nagdasal ako. Pagkatapos ko magdasal, nakatulog na ako sa sobrang pagod.

"pssst....oiiiii"

"hmmmmmm ano ba nakikitang natutulog pa yung tao eh"

"oi gumising ka nga dyan"

"ANAKNGPALAKANAMANOH PAGODNAPAGOD NA NGA AK--"

Naputol yung pagrereklamo ko sa nakita ko. Si Xander

"Unggoy gising ka na!!"

"ay hindi tulog pa ako saka hindi ako unggoy noh!"

Puk!

"aray"

"pasensya na sandali lang tatawagin ko yung doctor" nagmadali akong lumabas ng kwarto at lumapit sa isang nurse at sinabi ko na gising na ang asawa ko. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Xander at nakita kong nandun si Daddy (father of Xander)pati na din si ate Kate nakakauwi lang ng bansa dahil lang sa kapatid nya

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Where stories live. Discover now