MTAG- CHAPTER 15

49.7K 1K 30
                                    

CHAPTER 15

HANNAH'S POV

"Unggoy!!! Ano na mag luto ka na oi"sigaw ko sa kanya kasi busy sya sa paglalaro sa psp nya

"arrrgghh hindi nga rin ako marunong mag luto!! Mag order ka na lang!"sigaw nya habang busy parin sya sa pag lalaro nya ng psp nya

Lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung psp nya

"sh*t akin na yan!!"sabi n'ya

"magluto ka na!"

"ibigay mo yan matatalo na ako!!"sabi nya at asar na asar na talaga sya

"ayokong mag order ng pagkain natin gusto ko yung lutong bahay!!" araw araw na lang ganito sigawan. Hay...

"oh anong pinag aawayan n'yo dyan"bigla kaming napatingin ni Unggoy sa nag salita

"Ma!"nagmadali akong lumapit kay mama at hinalikan ko sya sa pisingi

"good afternoon po tita"sabi ni Unggoy at hinalikan rin nya si mama sa pisngi

"nako ikaw bata ka bakit tita parin tawag mo sakin. Tawagin mo na rin akong mama"sabi naman ni mama

"opo ti-- I mean mama"sabi naman ni Unggoy

"oo nga pala nasa gate pa lang ako naririnig ko na kayong nagsisigawan. Ano bang problema?"tanong ni mama at umupo kami sa may sofa at si unggoy naman nag timpla ng juice

"ala kasing byasang magluto kekaming adwa (wala kasing marunong magluto saming dalawa)"sabi ko kay mama

"hay nako anak dapat mabyasa na kang magluto lalu na ngening atin nakang asawa (dapat matuto ka ng magluto lalo na ngayon may asawa ka na)"sabi ni mama

"eh paano po wala namang magtuturo sakin na mag luto"sabi ko

"eh anong sa palagay mo sakin. Tuturuan kita ngayong araw na'to, ok na ba yun?"

"syempre naman po ayoko pong mamatay na ang laman ng tyan ko  ay puro pagkain ng mga resto"sabi  ko

"hahaha sige sige kawawa naman anak ko. May stock naman kayong mga gamit at ingredient dyan diba?"

"Oo, Ma. Meroon kami."

"Ma eto po juice" wow ah marunong palang mag po at opo si Unggoy ngayon ko lang nalaman. At himala bigla bumait at pinagtimpla n'ya pa ng juice si Mama. Diyos ko Lord, kunin n'yo na po itong unggoy na 'to! Mabait na po s'ya sa lagay na yan kaya pwede na po ninyo syang kunin.

Tiningnan ko ng masama si Unggoy

"Salamat 'nak"sabi naman ni Mama

What!? Bakit anak rin tawag ni mama rito sa Unggoy na 'to!?

'Syempre asawa mo yan at son-in-law nya yan' Sabi naman ng isip ko. Sabagay oo nga naman

"tara na, Ma. Turuan mo na ako"sabi ko kay mama at hinila ko s'ya papuntang kusina

Ayun una kong pinag aralan yung pagsasaing medyo mahirap pala kasi sabi ni mama pag yung tubig kulang, matigas daw ang kalalabasan ng kanin at pag sumobra naman sobra naman sa lambot ang magiging kanin kaya dapat daw siguraduhin kong tama lang yung tubig.

"ilang minutes po bago maluto?"tanong ko

"saglit lang yan anak saka naka rice cooker naman kayo kaya hindi mo na yan proproblemahin pero pag kumulo na yung tubig haluin mo yung kanin"sabi ni mama at tumango naman ako

"sige hayaan mo muna natin yang kanin balikan na lang natin yan mamaya"sabi ni mama

Tinuruan naman n'ya ako kung paano maglinis ng gulay, ng isda at tinuruan nya rin akong maghiwa ng karne.

MARRYING THIS ANNOYING GIRL(Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora