8

15 6 16
                                    

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
wala na namang prof sa educ haha

km🔒@kaelamarie
sir miras ikaw lang tlg ang masipag pumasok ngayong first week of class. one out of four profs ebarg

km🔒@kaelamarie
kapagod magpalipat-lipat ng room 😩 di na tlg aq magpapa late ng enroll ulit

[ INT. HALLWAY OUTSIDE CLASSROOM - NIGHT ]

Hawak ang doorknob, bubuksan na sana ni Kaela ang pintuan nang may tumulak din nito galing sa loob, dahilan ng pagtama nito sa noo niya.

KAELA
Aray, pucha.

CLIEF
Hala! Hala, sorry. Hindi ko napansin, sorry. Ayos ka lang ba?

Nakapikit lamang si Kaela habang iniinda ang sakit. Kaagad din naman siyang dinaluhan ni Clief galing sa loob.

CLIEF
Kaela, sorry talaga hindi ko napansin.

KAELA
Malamang, kung napansin mo edi hindi sana ako natamaan no'ng pinto.

CLIEF
Oo nga rin naman.

Tumawa pa nang mahina si Clief kaya tinignan siya nang masama ni Kaela.

CLIEF
Ay, sorry. Sobrang sakit ba?

Bumuntong hininga na lamang si Kaela.

KAELA
'Di, ayos lang. Excuse me.

Tumabi si Joven at Cia na nakaharang sa pintuan at tumuloy na si Kaela sa pagpasok sa silid.

CIA
Hala ka, Clief. Patay ka kay Kaela.

JOVEN
Oo nga, nangangagat pa naman 'yan.

CIA
Hoy, hindi ah. Bait kaya niyan, tahimik lang talaga.

JOVEN
Gago, akala ko kasi tatakutin natin si Clief.

CLIEF
Kayo nalang pala tumuloy sa caf, che-check ko lang ulit kung okay lang siya. Pabili nalang sandwich.

JOVEN
Sigurado ka? Ayos lang naman siguro 'yon. Sabi naman niya ayos lang.

CLIEF
Oo, sige na. Ay, dalawang sandwich akin ah.

CIA
Grabe hindi ka na ba magdidinner? Akala ko pang tawid gutom lang 'to.

CLIEF
Eto na bayad oh, inyo na sukli.

JOVEN
Ano 'yan pang delivery fee?

CIA
Joven, halika na! Gutom na ako!

Pumasok na muli si Clief sa silid at tumabi kay Kaela na busy lang sa cellphone niya.

CLIEF
Kaela.

Tinignan lamang siya nito at hindi umimik bago ibinalik ang tingin sa cellphone.

CLIEF
Sorry talaga. Ang pula ng noo mo.

gently like leavesWhere stories live. Discover now