22

15 5 22
                                    

[ MESSENGER ]

Clief Andre Alforque
Today, 6:28 PM

kae, sa'n ka?

TEC107

okay lang ba tumambay din ako riyan?

ikaw bahala

kung ayos lang sa'yo?

choks lng

okay
papunta na ako.

👍🏼

[ INT. CLASSROOM - EVENING ]

Pagpasok ni Clief sa room, naabutan niya si Kaela na tumatalon upang i-adjust ang aircon. Dumiretso sa kaniya si Clief at siya na mismo ang nag adjust nito. Medyo napatalon ang balikat ni Kaela sa gulat at kaagad na tumingala sa binatang nakatayo sa kaniyang likod, na hindi nagtagal, nakatungo na sa kaniya matapos i-adjust ang aircon. Kaagad siya nitong binati ng ngiti.

CLIEF
Ayos na ba 'to?

Kumurap pa si Kaela bago tumingin muli sa aircon. Nang makitang akma sa ito sa gusto niya kanina, tumango siya.

KAELA
Salamat.

CLIEF
Okay.

Umatras si Clief at inilagay ang bag sa tabi ng upuan kung nasaan ang bag ni Kaela. Sumunod din naman agad si Kaela upang umupo sa tabi ng upuan kung nasaan ang bag niya. Si Clief naman ay umupo sa tabi ng upuan kung nasaan bag niya.

CLIEF
Kanina ka pa rito?

KAELA
Hindi. Kararating ko lang no'ng nag-chat ka.

CLIEF
Buti walang klase rito, ano?

Tumango lang si Kaela bilang sagot at nag-cellphone na. Inilabas nalang din ni Clief ang cellphone niya. Saktong may message rin pala ang nanay niya.

[ MESSENGER ]

mamay
Today, 6:31 PM

kuya
tignan mo kapatid mo
mamay sent a video
[Video: Clief's youngest sibling trying to do push ups but fails due to their mother's laugh which later on became their youngest's laugh as well.
Clarke: Mamay! Tama na please. Nawawalan ako ng lakas!
Mamay: Bakit ka kasi nagpupush ups?
Clarke: Para magka-abs!
Mamay: Nakaka-abs pala 'yan?
Clarke: Eh ito nakikita ko ginagawa ni Kuya.
Mamay: Sinong kuya?
Clarke: Syempre si Kuya Clief! Parang walis tingting naman 'yon si Kuya Clyde.
Clarke: Hoy, naririnig kita rito sa kusina!
The video ends with his mother and Clarke laughing.]

6:35 PM

may hahahahaha
pakisabi nalang isasabay ko siya mag workout
baka ma-injured pa bigla eh

okay kuya hahaha
wala kang class?

wala pa po
absent si ma'am.

okay
mag dinner ka na para hindi ka magutom mamaya

ayos lang, may. 😊
busog pa naman po ako.

okay, kuya
ingat mamaya pag uwi

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon