33

16 5 23
                                    

[ INT. CLASSROOM - EVENING ]

CIA
Thank you, Kaela babes!

Kumapit si Cia sa kaliwang braso ni Kaela habang tinitignan ang photocopy ng reviewers na bigay nito. Naglalakad sila patungo sa linya ng upuan kung saan sila nakaupo. Sa likod ng dalawang dilag nakasunod si Joven at Clief na tinitignan din ang mga reviewers.

CIA
Ang ganda-ganda naman ng handwriting mo, Kae.

KAELA
Hindi mo naman na kailangan mambola, ‘di ko ‘yan babawiin.

CIA
Seryoso nga kasi. Naka-calligraphy pa ‘yong ibang headings grabe. Parang bagong crush ko na ‘tong reviewer mo.

JOVEN
Ay Clief may sinasabi, o. May bagong crush na raw.

CLIEF
Ha? Crush? Sino?

CIA
Ano na naman? Sabi ko lang bagong crush ko reviewer ni Kaela.

CLIEF
Ah, reviewer? Totoo naman. Ang ganda.

JOVEN
Kung ako ‘yan Clief, ‘di ko na papahiramin ng reviewer ‘yan. May favoritism, o.

CIA
Kaela babes, bawiin mo na nga 'yang reviewer ni Joven. Hindi siya marunong mag appreciate ng gawa mo.

JOVEN
Grabe, wala naman akong sinasabi.

CIA
Wala pa 'yon? Parang ang dami na nga, eh.

Napa-iling nalang si Kaela sa dalawang nagtatalo pa rin hanggang makaupo sa bawat upuan nila.

CLASSMATE
Guys, wala raw si Ma'am mamaya. Naka on-leave sabi ni Sir so pwede na raw umuwi after this subject.

Kabilaang "Nice!" "Yey!" "Eyy!" ang narinig sa loob ng room kasama ang iilang palakpak. Kaagad naman na lumingon si Clief kay Kaela.

CLIEF
Sabay na ta—

CIA
Oy, sabay tayo mag dinner sa labas! Kaela? Clief?

JOVEN
O, ba't ako 'di tinanong?

CIA
Bakit, 'di ka sasama kapag 'di ka tinanong?

JOVEN
Panget ng ugali.

CIA
'Wag mo describe sarili mo. Tsaka shh nga, ano Clief? Kae? G ba kayo?

KAELA
Okay lang. Chat ko lang din kapatid ko. Sa'n ba?

CIA
Pwede ba tayo sa Big Bee? Parang nagke-crave ako no'ng mango pie nila. Pero anywhere naman ayos lang, baka may gusto rin kayong kainan.

Nagtinginan muna sila sa isa't isa, tinatantsa kung mayroong aalma ngunit wala.

JOVEN
Okay lang sa'kin.

KAELA
Ayos lang din sa'kin.

gently like leavesWhere stories live. Discover now