32

23 5 10
                                    

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 9:42 AM

cia
HELLO
Ano nga ulit coverage ng first exam sa cal

intro ng cal
tapos aesop's fables

cia
Yong Aesop's Fables yong stories na nasa gdrive na sinend mo 'no Kae???

oo

cia
Okay okay
Sorry huhu ngayon ko lang naalala na exam week na rin pala next week
Kaka-kdrama ko to

joven
parang ikaw lang nagremind samin nyan nong monday ah
ano na naman ba pinapanuod mo?

cia
Yong pinakita ko sayong clip nong nakaraan
Mouse
Huhuhu ang thriling thrilling kasi hindi ko na mahinto gusto ko na malaman anong susunod na mangyayari
Pero short lang naman yong stories dibaaa?

oo ci

joven
'ta mo na di mo pa binabasa

cia
Babasahin ko na nga eh 😠

clief
pwede ko rin ikwento, cia.
run through pati sa symbols and themes.
para mas madali ko ring ma-recall.
pero basahin mo pa rin. kasi iba pa rin kapag nabasa mo. short lang naman talaga.

cia
Okay okay 😭😭
Sorry na hindi na nga ulit magpapabaya

joven
pwede rin bang makisali sa kwentuhan

cia
Kita mo na ikaw din! 😠

joven
at least nabasa ko na huy!
tsaka ano gusto mo ikaw lang?

cia
Wala akong sinabing ganiyan!
Imbento ka naman 😠

clief
kailan ba?

joven
fri na
may review quiz bukas sa art app eh

cia
Hala oo nga pala art app pa!!!

joven
itigil mo muna kasi yang kdrama, ci

cia
Itinigil ko na nga?!

may reviewer aq sa art app
kung gusto nyo lang din
tapos q na kc yan last term

cia
Omg Kaela 😭
Thank you na agad 😭

joven
magpapasalamat din ako kaela hahahaha

kaso written
papa-photocopy q muna mamaya
bigay q sainyo

cia
Okay 🥺🥺🥺
After exams eat out ulit tayo pls!!!
Don sa isang café na gusto ko puntahan

okay haha

joven
sige

clief
sure.
so friday 'yong para sa cal?

cia
Oo

clief
sama ka rin @Kaela

cia
Anoba matic na yan

clief
ay sabi ko nga.
baka kasi busy eh.

cia
Busy ka ba, Kaela baaaabes?

di nmn
oo, sali aq

cia
GOOD 😎

pero ano
sa fri, pwede b pareserve nlng tayo ng discussion room sa lib?
init kc lately
kahit maraming puno sa forest, ang init pa rin
kung okay lang naman sainyo

clief
sure.
para rin hindi ganoon kaingay.

cia
Tsaka walang advertisements!

clief
anong advertisements?

cia
"Oy clief!"
"Hoy, Alforque!"
"Preeeees!"
At otherz

clief
grabe hahahahahaha. hindi naman ganoon karami, ah?

cia
So magbibilang ba tayo rito ilan ang counted as marami?

joven
kung ako yan clief, suko ka na agad
di ka mananalo diyan

clief
eto na po, sumusuko na.

cia
Very good
Pero seryoso, hindi ba tayo maririnig niyan sa labas?

joven
oo nga baka sobrang ingay ni cia tas baka sitahin tayo

cia
Ako pa talaga ha

joven
alangan naman si kaela
Kaela and clief reacted 😆 to this message

inde
soundproof daw doon
kaya di rinig sa labas

joven
nice nice

clief
sige doon na tayo.
pero kailangan pa mag book doon, ‘di ba?

aq na
nakapag book na sina kylie noon
magtatanong nalang aq pano

clief
Okay ☺️

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚

Clief Andre Alforque
Today, 10:02 AM

kaela
anong oras ka pupunta sa school ngayon?

eloe
baket

hihiram sana ako ng reviewer sa educ109, kung ayos lang?
natapunan kasi ng juice akin kagabi eh.
iniwan ko kasi saglit sa lamesa sa kusina tapos natapunan ng juice ni bunso.
hindi na masalba eh 😅
‘di ko na maintindihan sulat.
hindi ko na rin masingit gawan ulit kasi may dalawang majors pa.
kung okay lang naman ha.

oki
abot ko nalang mamaya sa educ109 din

seryoso ayos lang ha?

oo nga

salamat.
sauli ko rin agad bukas.

ah isasabay q nalang sa photocopy nong sa art app din nila cia

okay, sige.
bigay ko nalang mamaya ang bayad.

kahit wag n
piso lng nmn

sigurado ka?

Kaela bumped this message
oo nga
Clief Andre reacted 😆 to this message

tsaka ano pala
sulat kamay to ha

oo
ayan ‘yong ginawa mo noon sa library, ‘di ba?

oo

okay ☺️

baka may d k mabasa
magsabi ka

sige
pero kita ko naman sulat kamay mo no’n, maganda naman.

ok
thnx

bakit feeling ko namumula na naman mga tenga mo

feeling q di n kita papahiramin

JOKE LANG EH
HAHAHAHAHAHAHAHA
hindi naman mabiro ‘to, joke lang!

🙄
Clief Andre reacted 😆 to this message

pahiram pa rin?

Kaela bumped this message
oo nga
Clief Andre reacted 😆 to this message

okay hahaha salamat ☺️
Kaela reacted 👍🏻 to this message

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now