19

13 6 14
                                    

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 1:32 PM

cia
Mga bb quoh
Gusto niyo ba ng ice cream?
May iscream pala rito sa labas, masarap mochi nila! Kailangan damayan niyo ako

joven
in short wala rin kaming choice

cia
Okay hindi ka included
Libre ko na kayo @clief @Kaela 😙

clief
thank you, cia. ☺️

joven
DA HECK 😠

tenkyu ci

joven
bakit di na ako kasali!!!!!!

cia
you are all welcome 😙

joven
ci, ako rin
please 🥺

cia
Bili ka kung gusto mo
May choice ka naman

joven
:((
sige na, pabili na lang
babayaran kita pramis
yong chocolate rin, paborito mo

cia
Bakit yan? 🤨
Eh ayaw mo nyan 🤨
Mas gusto mo lagi 'tong vanilla 🤨

joven
eh kaya nga itatry
malay mo magustuhan ko na

cia
K 🙄
Kapag ni-trash talk mo mamaya sinasabi ko sa'yo 😠

joven
salamat, ci

[ EXT. AFTERNOON - FOREST ]

JOVEN
Anong date ba ngayon?

CLIEF
17, bakit?

JOVEN
Kaya pala. Nakalimutan ko kasi.

CLIEF
Ang alin?

JOVEN
Schedule ni Cia magsungit o maglambing. Depende sa mood. Ako ang nabunot masungitan.

Napakamot nalang si Joven sa ulo at mahinang natawa si Kaela.

CLIEF
Huh?

JOVEN
Hina mo. Buti pa si Kaela gets.

CLIEF
Gets mo?

Tango lamang ang isinagot ni Kaela.

CLIEF
Ano raw?

KAELA
May dalaw yata si Cia.

CLIEF
Ah.

Ang dahan-dahang pagtango ni Clief ay naging kunot sa noo. Napatingin siya kay Joven na may pagtatakang nakasulat sa mukha.

CLIEF
Ba't alam mo?

JOVEN
Ang alin?

CLIEF
Ang schedule ni Cia.

JOVEN
Memorize ko na yata sa sobrang tagal namin magkaibigan. Para ready din in advance sa mga mood ni idol. Ako madalas kasama eh, ako lagi nasa-sample-lan.

Palihim naman na ngumiti si Kaela sa gilid habang naniningkit ang mata ni Clief.

CLIEF
Talaga? 'Yon lang?

JOVEN
Bakit, ano ba ineexpect mo?

KAELA
Andiyan na si Cia.

Mabilis na napalingon si Joven sa likod niya.

JOVEN
Ci!

Tumayo kaagad si Joven galing sa pagkakaupo para puntahan si Cia na may dalang maliit na cellophane kung nasaan ang mga Mochi.

JOVEN
Akin na.

CIA
Hindi makahintay?!

JOVEN
Tutulungan ka lang bitbitin eh.

CIA
Mukha ba akong naghihirap? Mukha ba siyang mabigat?

Natawa nalang si Kaela sa pagsusungit ni Cia.

CLIEF
Tingin mo may something silang dalawa?

Nag kibit balikat si Kaela.

KAELA
Hindi ko alam. Kahit dati naman, ganiyan na sila ka-close.

CLIEF
Oo nga naman. Pansin ko naman closeness nila. Pero grabe 'yong alam ang schedule.

KAELA
Kung mayroon mang something, hayaan na natin sila magsabi. Baka kasi magkaibigan lang talaga tapos bibigyan pa ng malisya. Baka ganoon lang talaga ka-attentive si Joven sa kaniya.

Nang makalapit ang dalawa sa table, kaagad na lumapit si Cia kay Kaela.

CIA
Clief, lipat ka. Tabi kami ni Kae.

CLIEF
Bakit pa—

JOVEN
Clief, dito ka na.

Nang tumayo si Clief upang lumipat sa tapat na upuan, kaagad na tinabihan ni Cia si Kaela. Ipinatong nito ang dalang cellophane sa mesa at saka binuksan. Isa-isa nitong inilabas ang mga mochi at inilagay sa tapat ng bawat isa.

CIA
Vanilla sa atin, Kae! Tapos chocolate naman sa boys.

JOVEN
Bakit vanilla sa'yo? Akala ko ba mas gusto mo ang chocolate?

CIA
Bakit? Hindi pwedeng mag try? Ikaw lang pwede?

Napakamot nalang si Joven sa kaliwang kilay gamit ang hinlalaki.

JOVEN
Hindi ko naman sinabing— hay.

CIA
Sige na, i-try ni'yo na. First time ni'yo ba kumain ng Mochi?

KAELA
Na-try ko na 'to, pero 'yong chocolate.

CIA
Timing pala binili ko!

CLIEF
Ako, first time ko pa lang masusubukan 'to.

CIA
Sana magustohan mo! Sige na, open na natin.

CLIEF (pabulong)
Pero hindi ako mahilig sa matamis...

JOVEN (pabulong)
Tumahimik ka nalang kung 'di mo magustuhan. Next time mo na sabihin. 'Wag ngayon. Delikado.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now