26

15 5 18
                                    

[ MESSENGER ]

mama
Today, 10:32 AM

ma, sa may Lanang lang ako ah
kakain lang kasama mga kaibigan

Okay. Take care and enjoy.
You still have money?

opo, meron pa naman
mama reacted 👍🏻 to this message

[ TELEGRAM ]

kambal
Today, 10:32 AM

kyl, punta lang aq lanang

alooone?

di
kasama q sila clief

kayo lang? 👀

sila joven at cia rin

ohhh hihi i thought
okiiii
take care and enjoy !!! 😚

salamat
kambal reacted 💘 to this message

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 10:44 AM

loe
andi2 na q

cia
Lapit na ako Kae!!!

joven
lapit na kami

clief
sa’n ka banda, Kaela?

pumasok aq saglet sa mart
init sa labas eh
nagtitingin-tingin lng
d2 k n?

clief
oo
puntahan kita diyan teka

cia
Clief pasok nalang kayo sa wings pls!!
Para makareserve na rin ng upuan

oki
papasok na kami

[ INT. GREATWINGS - LUNCH ]

Nakahawak si Clief sa pinto, hinihintay na makapasok si Kaela. Nang makapasok, naghanap kaagad sila ng table.

KAELA
Dami pala talagang tao.

CLIEF
Oo. Sa pagkakaalam ko kasi masarap talaga pagkain nila rito.

KAELA
Ayon. Patapos na sila.

Kaagad na nagpunta ang dalawa sa bakanteng table nang umalis ang kumakain doon. Inilagay ni Kaela ang totebag sa isang upuan at umupo sa tabi nito. Umikot naman si Clief para makaupo sa harap ni Kaela. Kaagad na lumapit sa kanila ang staff ng restaurant upang linisin ang table at inabutan na rin sila nito ng menu.

CLIEF
Mag a-unli wings ka ba?

KAELA
Gusto ko kaso alam ko namang ‘di ko rin mauubos first serving, eh. Baka ala carte lang.

CLIEF
Okay. Anong flavor gusto mo?

KAELA
Na-try mo na ba ‘tong Spicy Korean? Masarap kaya ‘to? Gusto ko i-try kaso baka sobrang anghang.

CLIEF
Mag a-unli naman ako, pwede naman 'yon iba't ibang flavor. Kuha ka nalang mamaya no'ng spicy kasi baka nga sobrang anghang.

gently like leavesWhere stories live. Discover now