21

20 6 38
                                    

[ EXT. FOREST - AFTERNOON ]

CIA
Masarap din, 'di ba?

Dahil may laman pa ang bibig, tumango lamang si Kaela bilang sagot.

CIA
Anong mas gusto mo, itong chocolate o 'yong vanilla?

Inabot muna ni Kaela ang tumbler niyang nasa ibabaw lamang ng table nila at uminom ng tubig bago sumagot.

KAELA
Mas gusto ko 'to. Naba-balance ng chocolate na coating 'yong vanilla na filling.

Napapalakpak si Cia rito na siyang kina-iling na lamang ni Joven.

CIA
Ano ka ngayon, Joven. May kakampi na ako.

JOVEN
Edi kakampi ko rin si Clief!

CLIEF
Sorry, Ven. 'Di ako mahilig sa matamis, eh.

CIA
Aguy! Kawawa walang kakampi.

Pinagtawanan ng tatlo ang nakabusangot na mukha ni Joven at hindi rin naman nagtagal, napangiti ang binata.

JOVEN
Napaka-mature mo, Ci.

CIA
I know right!

CLIEF
Sa'n ka mamaya, Kae?

KAELA
Sa time ni Ma'am Ty?

CLIEF
Oo.

KAELA
'Di ko pa alam. Baka maghanap lang ako ng bakanteng room na tatambayan.

CIA
Bakit? Wala kayong pasok?

KAELA
Wala. Absent si Ma'am.

JOVEN
Sino ulit prof ni'yo? Ma'am Ty? As in si Ma'am Ty?

CLIEF
Oo. Ma'am Ty-rror.

JOVEN
Gagi. Nambabagsak 'yan, walang patawad.

CLIEF
Basta naman hindi pabaya sa quizzes at exams, okay lang si Ma'am. Hassle nga lang sa reporting kasi nanggigisa. Masyado ka nang matapang kung papasok kang hindi prepared.

JOVEN
Ayan ba 'yong iniyakan ni Krai noon?

CLIEF
Oo.

CIA
Sinong Krai?

JOVEN
'Yong officer ng org? Taga-edit yata ng pubmats sa page.

CIA
Ah, 'di ko kilala. Nga pala, sali ka na sa org, Kae!

KAELA
Itataguyod ko muna 'yong Oral Recit. After no'n, magbabayad na ako ng membership.

CIA
Yey! May kachikahan na ako sa seminars maliban diyan sa dalawa. Umay nako sa mga pagmumukha niyan, eh.

JOVEN
Ikaw pa talaga may ganang maumay.

CIA
Pwede ka rin naman. Hindi ka naman pinagbabawalan. Tapos hanap ka na ng ibang bespren, gano'n.

JOVEN
Tignan mo!

gently like leavesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang