24

14 4 14
                                    

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
ugh first day ng oral recit kay sir

km🔒@kaelamarie
d aq makakain nang maayos. puro kaba nalang meron aq

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 10:24 AM

cia
Pls tell me d lng aq ang kinakabahan
Parang masusuka na ako 😣

d lng ikaw ci
kabado na rin aq sobra

joven
gusto niyo ba matawag na mamaya?

cia
Ako, oo

aq ren

clief
ako rin.

joven
edi apir tayong lahat

auq n iprolong to
iniisip q pa lng na kakabahan na nmn aq next week
kung d pa aq matawag mamaya
parang mahihimatay na aq

cia
MANIFESTING MATATAWAG TAYONG LAHAT MAMAYA!!!

clief
last practice mamaya sa forest, g?

joven
tara

cia
Okiiiii

clief
@Kaela?

sige

clief
okay. see you mamaya!

[ EXT. BELOW UNIVERSITY ARC - NOON ]

CLIEF
Kaela? Kaela!

Napalingon si Kaela sa tawag na narinig. Nakita niya si Clief na lakad takbong patungo sa kaniya.

CLIEF
Ang aga mo. Nauna ka pa sa'kin.

KAELA
Ah, sabay kaming maglalunch ni Kylie.

Nagpatuloy si Kaela sa paglalakad kaya sumabay na sa kaniya si Clief.

CLIEF
Morning class pala kambal mo?

KAELA
Oo.

CLIEF
Sa'n kayo maglalunch?

KAELA
Sa Caf lang siguro.

Napahinto si Kaela sa may harap ng Bulk Box kaya napahinto rin si Clief.

CLIEF
Bakit?

KAELA
May titignan lang ako saglit, mauna ka na.

CLIEF
Ha? Ayos lang, samahan na kita.

KAELA
Okay, ikaw bahala.

Naunang maglakad sa kaniya si Clief kaya ito na rin ang nagbukas ng pinto.

KAELA
Salamat.

[ INT. BULK BOX OFFICE & GROCERY STORE - NOON ]

Dumiretso si Kaela sa aisle kung naasan ang mga chokolate at tinignan ang mga produktong nandoon. Sumunod lang din sa kaniya si Clief.

gently like leavesWhere stories live. Discover now