35

19 4 17
                                    

[ INT. DISCUSSION ROOM 3 - AFTERNOON ]

CLIEF
Ganito kasi 'yon, no'ng bata ako, matalino na talaga ako.

KAELA
Wow.

Natawa si Clief sa reaksyon ni Kaela.

CLIEF
Biro lang. Hindi naman siguro matalino, parang pabida.

KAELA
Ayan mas tama.

CLIEF
Grabe.

KAELA
Nag-agree lang ako.

CLIEF
Anyway, siguro dahil ako ang pinakapabida sa room no'n, gusto ko lagi nakakasagot tapos natutuwa ako kapag perfect ang score kasi may tatlong stars, kaya lagi kong pinagbubutihan. Base sa mga ribbon ko sa bahay pati yearbook, valedictorian ako no'ng kinder pero hindi ko na maalala. 'Yong pinaka memory na hinahawak-hawakan ko hanggang ngayon, elementary na ako. Grade 3.

Inabot ni Kaela ang tumbler niya para uminom ng tubig habang patuloy na nagkukwento si Clief.

CLIEF
Dahil nga madalas wala si Papa noon kasi paiba-iba ang location kung saan sila magko-construct ng building o kung ano, laging si Mama ang uma-attend ng recognition ko. Kaso no'ng Grade 3 ako, timing katatapos lang ng kontrata nila Papa, umuwi siya tapos recognition ko. First time niya umakyat kasama ko para magsuot ng medal sa 'kin. First time ko rin makita si Papa na naluha. Tapos paulit-ulit niya sinasabi sa akin gaano siya ka-proud. First time rin 'yon na nagpakain siya sa bahay dahil lang Top 1 ako sa klase. Tapos binibida niya ako sa mga kasamahan niya sa trabaho pati mga kamag-anak namin.

Ngiti ang pumalit sa mga labi niya matapos lumisan ang isang buntong hininga.

CLIEF
Sobrang saya ko n'on. Unang beses ko yata naramdaman 'yong gano'ng tipo ng saya. Kaya sabi ko sa sarili ko simula no'n, lagi kong pagbubutihin maging top 1. Ayon 'yong unang rason na medyo centered pa sa 'kin.

KAELA
May pangalawa pa?

CLIEF
Oo. May isang beses kasi noon na nahuli ni Papa si Clyde na nag-cutting. Timing na may pinaprint siya noon para sa trabaho tapos ando'n si Clyde sa comshop. Galit na galit si Papa pag-uwi. May lagnat pa ako no'n kaya absent, rinig na rinig ko sigaw ni Papa sa kwarto. Nagpapakahirap daw siya kahit nakakapagod ang trabaho, tinitiis niya pagkamiss sa amin kapag sa malayo, para lang mapagtapos kami. Tapos magbubulakbol lang daw si Clyde. Nasaktan ako no'ng sinabi niya na gusto ba raw tumulad ni Clyde sa kaniya na hindi nakapagtapos kaya sa construction ang bagsak, na construction worker lang ang trabaho.

May malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Clief.

CLIEF
Highschool na ako no'n pero no'n ko lang narealize na ang baba ng tingin ni Papa sa sarili niya. Hindi niya alam na proud na proud kami sa kaniya. Naalala ko kapag pumupunta kami nila Mama noon sa downtown, may mga tinuturo siyang building na tapos na o ginagawa pa lang, tapos sinasabi niya sa amin isa si Papa sa gumawa n'on. Bilib na bilib ako kasi imagine mo, ang laki ng building, tapos isa si Papa sa may gawa. Binibida ko rin 'yon sa mga classmate ko. Tapos pagdating kay Papa, ang baba pala ng tingin niya sa sarili niya.

Muling nagpakawala ng buntong hininga si Clief.

CLIEF
Minsan, kapag nag-iinuman kami ni Papa, lagi niya sinasabi sa amin na pangarap niyang makapagtapos kami at makahanap ng magandang trabaho. Pinapaalala niya rin sa akin na ayos lang kahit hindi top, basta hindi ko makakalimutan alagaan sarili ko at masaya ako. Kasi kaya raw tinatamad siya pumasok noon kasi hindi siya masaya sa skwelahan. 'Yong saya, lagi niyang nahahanap sa labas. Pero kapag daw malungkot ako, pumunta lang ako sakaniya kasi siya nalang daw magpapasaya sa halip na tumigil ako sa pag-aaral.

gently like leavesWhere stories live. Discover now