31

11 5 17
                                    

[ INT. OUTSIDE KYLIE'S DOOR - EVENING ]

KAELA
Kyl? Gising ka pa?

KYLIE
Yes! Pasok ka lang!

Nang marinig ang sigaw ni Kylie galing sa loob ng silid nito, binuksan na rin agad ni Kaela ang pinto. Nakita niya si Kylie na nasa study table nito at may ginagawa. Tinignan siya saglit ni Kylie para ngumiti.

[ INT. KYLIE'S ROOM - EVENING ]

KYLIE
Upo ka muna diyan, malapit na 'to matapos.

Dumiretso si Kaela sa paanan ng kama, sa likod lamang ito ni Kylie, at doon naupo.

KAELA
Assignment 'yan?

KYLIE
Oo. Patapos na talaga, teka lang.

KAELA
Ayos lang. 'Wag mo madaliin.

Inihiga ni Kaela ang kalahati ng katawan sa kama. Iniabot nito ang isang unan ni Kylie at niyakap. 'Di rin naman nagtagal, tumayo na si Kylie at tinabihan ang kambal.

KYLIE
Hay, finally. Done na ako.

Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa kanila. Nakatingin lang sila sa kisame kung nasaan ang mga glow in the dark stars ni Kylie.

KAELA
Kumusta araw mo, Kyl?

KYLIE
Hmm. It was pretty fine. Actually, Tim and I fought no'ng nakaraan. But we made up na kanina so all is well. That's why I met up with him.

Napaismid si Kaela.

KAELA
Tapos sabi mo pa ayos lang kayo? Sus. Halata ka kanina. Sa'kin ka pa talaga nagsinungaling.

KYLIE
Hmp. Sorry, okay? Best in acting kaya ako before.

KAELA
Baka kambal mo ako, gano'n.

KYLIE
I know.

KAELA
Pinaiyak ka na naman no'n?

KYLIE
Hindi, ah.

KAELA
Talaga lang ha?

KYLIE
Okay, maybe six tears.

KAELA
Binilang pa talaga.

KYLIE
Well, at least you know I was not having a crying session or sobbing or what. Just six tears! And mas siya ang umiyak, 'no. I'll break up with him na sana.

KAELA
Ba't 'di mo pa tinuloy?

KYLIE
Well, he cried. Marupok lang naman ako. And I love him, Kae. You know that. I just can't simply let go of someone I love.

Buntong-hininga nalang ang nasagot ni Kaela.

KAELA
'Wag kang papaubos.

KYLIE
How about you? How was your day?

KAELA
Hmm. Ayos lang. I did well sa recitation kanina, pati na rin sa quiz. Gumawa rin ako ng reviewer tapos sabay kami nag-aral kanina nila Clief.

gently like leavesWhere stories live. Discover now