14

20 6 19
                                    

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
at nagsipasok na nga ang mga prof

km🔒@kaelamarie
may pogi pang prof tas funny pa sha. sana magaling din magturo

km🔒@kaelamarie
grabe si maam parang freshgrad lang, di halatang 6 yrs na d2 nagtuturo

km🔒@kaelamarie
next na yong prof na sinasabi nilang terror

km🔒@kaelamarie
luh bat and2 to

[ INT. CLASSROOM - EVENING ]

CLIEF
Uy! Andito ka rin?

KAELA
Hindi, imagination mo lang ako.

Natawa si Clief si sagot ni Kaela.

CLIEF
Pwede. May nakaupo ba rito?

KAELA
Wala.

CLIEF
Sige, dito na ako ha?

Hindi pa nakasasagot si Kaela ay umupo na si Clief.

CLIEF
Ayos. Dalawang course tayo magkaklase. Ngayon ka lang din ba pumasok?

KAELA
Hindi.

CLIEF
Pumasok ka last week?

KAELA
Oo. Ikaw ba't 'di ka pumasok last week? Pumasok ka naman kay Sir Miras, ah.

Napangiti si Clief.

CLIEF
Hindi naman kasi pumapasok si Ma'am kapag first week. Gano'n talaga kahit noon pa.

KAELA
Ah.

CLIEF
Nagsimula ka na bang magsagot doon sa CAL?

KAELA
Oo, kagabi.

CLIEF
Tapos mo na?

KAELA
Hindi pa. May 12 or 15 questions pa yata na walang sagot. Mamaya ko pa sasagutan.

CLIEF
Ah. Kaya mo 'yan. 'Wag ka rin ma-pressure, ha. Pwede namang mag-pass kung 'yong nabunot mo na question, hindi mo pa nasasagutan.

KAELA
Ikaw ba, tapos mo na sagutan lahat?

CLIEF
Oo. Nagsimula na kasi ako agad no'ng nakita ko 'yong post sa BBL. So, mas maaga ako natapos. Pero hindi pa naman final 'yon kasi may reporting pa mamaya. Baka mabago pa o madagdagan.

Tango lamang ang isinagot ni Kaela rito.

CLIEF
Sabay na tayo papunta sa next subject?

KAELA
'Di pa nga nagsisimula 'to, next subject ka na agad.

Natawa si Clief sa sagot ng dalaga.

CLIEF
Nagsabi lang in advance, eh.

KAELA
Sumabay ka kung gusto mo. As if naman maiiwan ka kung tumakbo ako, kabilang lang room lang eh.

Muling natawa si Clief at bago pa man siya may masabi ulit, dumating na ang professor nila.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now