38

24 4 10
                                    

[ INT. CLIEF'S ROOM - MORNING ]

HARU
Si Sky? Ayon tawag mo doon, 'di ba?

CLIEF
Oo. Naaalala mo si Kaela? 'Yong kakambal ni Kylie?

HARU
Oo. Bakit?

CLIEF
Siya.

HARU
Siya?!

CLIEF
Oo.

HARU
Grabe. Ka-program mo lang pala! Hindi mo siya nakikita bago 'yong sa NSTP? O after n'on?

CLIEF
Hindi. Morning class kasi siya. Hapon naman na ako tumatambay sa forest tapos gabi klase ko. Hindi rin siya active sa org. Ngayon lang siya nag evening class.

HARU
Eh madalas kayo magkasama n'on, 'di ba? Kaya pala ha!

CLIEF
Magkaibigan na kami.

HARU
Galawan mo! Ano? Happy crush mo pa rin ba? O nagbago na ba?

CLIEF
Nagbago na, magkaibigan na kami.

HARU
Ulol! 'Di mo na happy crush?

CLIEF
Attracted pa rin ako, syempre. Ang ganda niya pa rin sa paningin ko. Natutuwa pa rin ako kapag nakikita ko siya. Kahit gaano pa nakakapagod ang araw, parang sulit pa rin kasi nakikita ko siya pati ngiti niya. Tapos nakakausap ko pa. I mean, sino lang naman ako sa kaniya noon? Tamang sulyap lang naman ako.

Hindi naka-ilag si Clief sa hampas ni Haru na may malaking ngiti sa labi.

CLIEF
Ano ba!

HARU
Ganiyan ka pala ha! Ngayon ka lang pumapag-ibig. Tapos, tapos?

CLIEF
Kung pinapatapos mo kasi ako, 'di ba? Tsaka anong pumapag-ibig?

HARU
Bakit? Hindi pa ba?

CLIEF
Hindi pa, ano ka ba.

HARU
So, gusto mo pa lang gano'n?

CLIEF
Oo.

HARU
May plano kang ligawan?

CLIEF
Sa ngayon, wala pa.

HARU
Bakit?

CLIEF
Gusto ko munang makilala. Gusto ko munang maging kaibigan. Do'n nagsimula sila Papa, eh. Tapos lagi nilang sinasabi sa akin na mas mabuting may foundation. Iba kapag naging kaibigan mo muna. Iba kapag kilala mo muna. Gano'n din naman ang tingin ko.

Napatango-tango rito si Haru.

HARU
Tama rin naman. Tsaka mas mabuting ganiyan— 'yong kilala mo muna. Kasi baka kapag kasabay ng panliligaw mo 'yong getting to know, baka ma-turn off ka pa tapos ayaw mo na bigla. Eh what if na-fall na sa'yo? Kawawa naman. Daming ganiyan ngayon tapos damay na agad lahat ng lalaki.

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon