34

21 5 21
                                    

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 10:42 AM

cia
Hellooo
Otw na ako
San nga ulit tayo

discussion room 3, ci
sa first floor lang ng lib
malapit sa may exit

cia
Oki oki
Andiyan ka na?

ala pa
12 pa nmn sched natin
kakasakay q lng ng din jeep

cia
Okiii

11:13 AM

clief
nasa lib na ako.
dito na ako pumwesto sa harap ng DR3

11:27 AM

joven
papunta na ako dyan clief

clief
ikaw lang?

joven
oo

11:32 AM

cia
Nasa gate na meeee

11:37 AM

andyan n kau?
kakapasok q lng ng gate

clief
oo, kae.

oki
otw na
Seen by everyone

[ INT. DISCUSSION ROOM 3 - AFTERNOON ]

CIA
Okay, teka, tama na muna 'yon. 'Yong introduction nalang naman hindi pa natin naka-cover.

JOVEN
Gutom na rin ako, eh.

CIA
Hindi nga rin pala ako nag-lunch.

KAELA
Hindi kayo kumain bago pumunta rito?

CIA
Kumain naman. Pero para siyang brunch.

CLIEF
Kain muna kayo. Busog pa ako, eh. Ako nalang muna magbabantay dito sa gamit. Sama ka sa kanila, Kae?

KAELA
Ah, hindi. Busog pa 'ko. Kumain din ako kanina.

JOVEN
Hala. Lumabas na yata grade last sem.

CIA
Ha?! Nag-reflect na sa'yo?

JOVEN
Sabi nila sa GC.

CIA
O-M-G. Lord, sana hindi dos kay Miss Chin.

Dahil sa sinabi ni Joven, sabay-sabay silang nagsikuha ng cellphone upang pumunta sa portal at tingnan ang mga markang nakuha sa nakaraang semester.

Napangiti si Kaela nang makitang maayos naman ang mga naging marka niya. Hindi ubod nang taas pero mas mataas kung ikukumpara sa grades niya noong nakaraang school year. Gano'n din ang naging reaksyon ng ibang kasama niya sa silid.

CIA
Thank you, Lord! Akala ko magiging dos na ako kay Miss Chin. Buti kinaya pa ang tres.

JOVEN
Laki ng ngiti ni Clief, o. Top na naman pangalan niyan sa DL ngayong ranking.

CLIEF
'Di mo sure.

CIA
'Wag mo na barahin, Clief. Ayan ang tinatawag na manifesting.

gently like leavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon