18

15 6 9
                                    

[ MESSENGER ]

oral reshitation
Today, 12:52 PM

cia
Maaga kami ngayon guys!!! 😚

clief
himala kung ganoon

joven
ewan ko rin diyan sa isa
sinapian yata

cia
Bakit parang nagrereklamo pa kayo?! 😠

joven
wala nga akong sinasabi eh

cia
@Kaela, anong oras ka pupunta?

otw na
nasa jeep na q

cia
Oki
Ako rin!

clief
ikaw, @joven?

joven
nasa jeep na rin

clief
mag-ingat kayong lahat.

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
ang gaganda ng mga sagot

km🔒@kaelamarie
ampon lang tlg aq ng grupong 2

km🔒@kaelamarie
parang nahiya aq sa mga sagot ko bigla
┗ > km🔒@kaelamarie
       i mean may sense rin naman aken pero pang ibang level yong kanila

[ EXT. FOREST - AFTERNOON ]

Mahinang pumalakpak si Kaela nang matapos si Cia magsalita.

KAELA
Ang galing. Ang ganda ng pagkakasagot mo.

CIA
Char! Thank you! Shutek kinilig ako roon.

JOVEN
Totoo, Ci. Ang ganda ng pagkakasagot mo.

CIA
Che. Ikaw na sunod!

JOVEN
Che ampotek. Ba't kapag sa akin walang kilig?

CLIEF
Kaela, pwede ba mahiram 'yong papel mo?

KAELA
Bakit?

CLIEF
Titignan ko lang 'yong sa number 15. Nakukulangan ako sa idea ko, eh.

KAELA
Luh, wala ka ring makukuha roon. Eme eme lang 'yon.

Natawa si Clief.

CLIEF
Anong eme eme? May sense naman mga sagot mo, ah.

KAELA
Oo pero senseless kapag compared na sa'yo.

CLIEF
Grabe. Anong senseless? Hindi naman, ah. May mga nakuha nga rin akong idea sa'yo.

KAELA
Feel ko jinojoke time mo lang ako. Hindi mo naman kailangang gawin.

CLIEF
Anong jinojoke time? Ganito ha, halos lahat ng mga sagot ko kahapon laging naka focus sa positive part. Gano'n talaga ako usually essays man o recitation, mas naka lean ako towards explaining the pros. Pero no'ng nakikinig na ako sa'yo, narealize ko na importante rin pala i-include 'yong negative side.

KAELA
Weh.

CLIEF
Grabe, ayaw maniwala.

KAELA
Sige nga, bigyan mo ako ng example para mas makatotohanan.

CLIEF
Okay. Naalala mo 'yong sagot mo sa Number 5? 'Di ba ang tanong related sa impact ng technology sa reading habit at literacy ng mga bata? Ang sagot ko roon naka lean more on sa positive, like accessibility, mas na-eengganyo sila, etcetera. Pero ikaw, nagawa mo ring i-include 'yong negative part naman ng accessibility lalo na sa mga bata. They are more prone to accessing stuff not yet suitable for their age and not supervised pa. Which, in most cases, doesn't do them good in the long run. Ayon, isa lang 'yon sa example.

KAELA
Ah.

Nagkulay rosas ang mga tenga ni Kaela na siyang ikinatawa ni Clief.

CLIEF
Ah lang nasagot.

KAELA
Eh, hindi ko na alam anong sasabihin.

CLIEF
Pwede naman, "Sige eto na 'yong papel ko na gustong-gusto mong hiramin."

Inilapag ni Kaela ang kaniyang papel sa harap ni Clief, at mahina rin nitong hinampas si Clief sa balikat na mas lalong ikinatawa lamang ng binata.

KAELA
O, ayan.

CLIEF
Grabe, papel lang hiningi ko pero sinamahan pa ng hampas. Hashtag blessed.

JOVEN
Clief, ang ingay. Hindi mo na ako nirespeto, nagpa-practice ako rito.

CIA
Ang oa, Ven.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now