10

18 6 14
                                    

   NASA LOOB NA SILA ng sasakyan. Si Kristine, nanay ng kambal, ang nagmamaneho habang nakaupo naman sa passenger seat si Kaela.

   Hindi gaanong mainit sa labas, hindi rin naman makulimlim. Medyo malamig pa ang hangin galing sa nagdaang ulan kagabi. Isang kanto bago ang sementeryo, may madadaanan silang nagbebenta ng mga bulaklak at kandila. Dito laging bumibili si Kaela sa tuwing bumibisita siya sa ama.

   "Ma, pwede bang pahinto muna diyan saglit? Bili lang ako ng bulaklak pati kandila." sabi niya habang nakaturo sa tindahan.

   "May bulaklak at kandila na. It's in the back. I bought some on the way home." sagot naman ng ina kaya napabaling ang tingin ni Kaela sa likod. Saka niya lamang napansin ang isang kumpol na kulay dilaw na rosas at tatlong kandilang nakalagay sa basong gawa sa salamin.

   "Ang ganda ng bulaklak, Ma."

   Laging iyon ang binibili ng ina niya sa tuwing kasama nila itong bumisita sa puntod ng ama, na sobrang minsan lamang. Minsang tinanong ni Kylie sa ina bakit iyon ang laging binibili. Ang sagot nito ay, "He always gives me roses. When he was courting me, when we became official, after we got married, and shortly even after we separated. It was only when I told him to stop that the roses stopped coming.

   He always gave me the red ones, saying it’s because I'm as fierce as the color and always stand out no matter what. So, I'm giving him the yellow ones like the sunshine that he is. Always so bright and cheerful, easy on the eyes, and calming to look at."

   Pag-uwi, noong mag-isa nalang si Kaela sa kwarto niya, umiyak na naman siya ulit. Hindi dahil sa pagkamiss sa ama o dahil sa guilt, ang mga luha ay dahil sa kagustuhang sana narinig 'yon ng ama niya noong buhay pa siya. Sana ibinigay ng ina niya ang dilaw na mga rosas no'ng hindi pa huli ang lahat. Makakakita siguro siya ng panibagong ngiti galing sa ama. Makakarinig siguro siya ng panibagong tawa. Ngiti at tawa na ang ina niya lang ang may kayang ibigay.

   "When was the last time you visited your father?" tanong ni Kristine kay Kaela.

   "Last week lang po, ilang araw pagkatapos ng new year."

   Nag-back track si Kristine sa schedule niya noong mga nakaraang linggo. Ayon ang panahon na enrollment ng mga anak niya at may conference siyang dinaluhan sa Cebu.

   "Did you go alone?"

   "Ah, hindi po. Kasama ko po si Kylie."

   Nakarating na sila sa Angel's Holy Land. Unang bumaba si Kaela at kinuha ang bulaklak at kandila sa likod. Pumunta naman sa may trunk si Kristine upang kunin ang picnic mat na uupuan nila mamaya.

   Sabay silang naglakad papunta sa libingan ni Adriel, ang ama ng kambal. Higit dalawang taon na rin magmula nang mawala ito dahil sa tetano, sa sugat na akala nila gagaling lang matapos ang ilang linggo. Simpleng sugat na nagdulot sa kanila ng sakit na dadalhin na yata nila habang buhay, at puwang na hindi kayang mapunan ng kahit anong bagay.

   Si Kristine ang nagsindi ng kandila habang si Kaela naman ang naglapag at nag-ayos ng mga bulaklak. Naglatag din ng picnic mat si Kaela para maupuan nila.

   "Hello, Erpats. Nakabalik na ulit ang KG mo. Kumusta ka naman diyan?"

   Muntik na mamatay ang sindi ng kandila nang umihip ang hangin. Para kay Kaela, iyon na ang sagot ng ama.

   "Buti naman at ayos ka lang diyan. Kami rin naman dito, ayos lang. No'ng nakaraan si KM, umiyak. Miss ka na raw. Pakita ka nga roon tignan natin kung hindi matakot. Takot pa naman 'yon sa multo."

   Natawa na lang din si Kaela sa sarili niya. Sigurado siyang mas mauuna pang tumakbo ang kambal saka mag sink in na ang ama pala nila 'yon.

   "Si Mama naman— Ma ikaw naman." udyok ni Kaela sa ina. Nagulat si Kristine rito.

   Kapag bumibisita kasi silang tatlo, laging si Kaela at ang kambal lang ang nagsasalita at nagkukwento sa ama. Tahimik lang lagi ang ina sa gilid o likod nila. Ayos lang din naman sa kanila iyon. Mas mabuti nang andiyan ang ina kaysa wala.

   Pero alam naman ni Kaela na binibisita ng ina niya ang ama na mag-isa. Minsan kasi, kapag bumibisita siya mag-isa, naaabutan niya ang dilaw na mga rosas na hindi pa gaanong malanta. Kapag naman tinatanong niya ang kambal kung bumisita ba ito, hindi rin naman daw. Isa lang naman ang alam niyang nagbibigay ng dilaw na bulaklak sa ama.

   "Uh, I'm okay too." maikling sagot ng ina niya.

   "Ayon, 'pats. Okay lang daw."

   Dumaan ang saglit na katahimikan nang magsalitang muli ang ina niya.

   "Does he really call you and Kylie, KM and KG?" kyuryosong tanong ng ina.

   "Opo, Ma. Parehas lang daw naman kasi ng syllables sa pangalan namin. At least kapag spelling or type, mas madali raw kasi two letters lang." Napatawa si Kaela sa memorya.

   "Pero kapag nagbabakasyon si Kylie sa amin, tapos sabay niya kaming papalapitin, ang sinasabi niya lang, Kilo!"

   "Bakit kilo?"

   "Kasi KM at KG, kilometer at kilogram. Kaya ayon, Kilo kaming dalawa." naiiling at natatawa si Kaela na siya namang ikinangiti ng ina niya.

   "Kung ano-anong naiisip ni Dri."

   Napangiti si Kaela sa tawag ng ina sa ama niya.

   "Ngayon ko lang narinig na tinawag ni'yo si Papa niyan, Ma."

   Ngiti lang ang isinagot ng ina rito. Bago man sa pandinig ni Kaela, hindi na bago kay Kristine ang pagsambit nito, kahit noon pa man, matapos nila maghiwalay.

   Kapag napapagod na siya, kapag tingin niya hindi na niya kaya, kapag miss na niya, kapag sobrang saya niya, kapag may naabot siyang achievement, laging si Dri ang una niyang nababanggit, laging ang hangin ang unang napagsasabihan, umaasa na sana ibulong nito kay Adriel nasaan man siya kasi hindi niya magawa. Dahil minsan, hindi talaga sapat ang pagmamahal lang.

   No'ng gabing 'yon, hindi na umiyak si Kaela nang makauwi at mapag-isa sa kwarto. Kasi tingin niya, mas masaya naman na ang ama.

   Tapos na ang mga gabi na malungkot itong nakatitig sa mga larawang naka-frame sa bedside table ni Kaela. Nandoon kasi ang mga litrato nila ni Kylie, pati ang isang kasama ang ina niya, at no'ng kumpleto pa sila.

   Tapos na ang pagpapanggap na tulog na siya habang mahinang umiiyak ang ama. Kasi kahit sa huling hininga, ang hiling lang naman ng ama ay makita silang tatlo na magkakasama.

   Kaya tiyak, masaya 'yon ngayon kung nasaan man siya. 'Yon lang naman ang gusto ni Kaela.

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now