Mission 28

715K 20K 3.8K
                                    

Mission 28


Unang pagmulat ko palang sa umaga. Inalala ko na ang mga nangyari kagabi. Jeez, it wasn't a dream. I am officially Nero Ferell's girlfriend. Paano nangyari yon kagabi? It was like a blast!

Maaga akong nag ayos para makapasok. Inihanda ko na rin ang almusal ng mga Shokoy baka naman kasi magutom ang mga 'yon sa klase at hindi makapag aral ng maayos, kawawa naman. Alam ko namang pursigido silang mag aral kaya pikit mata ko na lang silang susuportahan. Pursigido?  pursigido kamo sa babae.

Pagkatapos kong ihanda ang pagkain nila sa mesa. Naglagay na lang ako ng note.


'Owen, ikaw ang duty sa plato'


Medyo nagtaka pa nga sa akin si Kuya Bert dahil sobrang aga ko daw. Syempre sanay siya na lagi akong late pumasok. Ang totoo naman kasi, hindi ko alam kung paano ko pakitutunguhan ang hari ng mga Shokoy. Yes we are officially but I felt awkward lalo na dahil laging nakapaligid ang kapwa niya Shokoy. I think this is gonna be hard for me. Sobrang hirap, how can I adjust?

Naglalakad na ako sa may corridor ng biglang sumiklab na naman ang dugo ko. Si Ashong! Ang walang hiyang magdudulos. Malaki pa ang atraso sa akin ng hinayupak na lalaking ito!

Nanlaki ang mata niya nang nakita ako, agad siyang lumihis ng direksyon sa paglalakad. You can't escape from me.


"ASHONG!" malakas na sigaw ko sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko para masipa ko man lang kahit mukha niya. Hindi naman kasi nakakatuwa ang ginawa niya sa akin. Siya lang itong pinagdudulos, bakit kailangang idamay pa niya ako?


"Florence, ang aga aga ang init ng ulo mo. Naiwan sa flight? Hindi nakapagdisneyland?" tatawa tawa pa siya habang nagmamadali sa paglalakad. Kainis!


"Buwiset ka Ashong!" napapadyak na lang ako ng malayo na siya. Di bale madami pang araw Ashong. Hindi pa tayo tapos.

Masyado pang maaga para sirain ang araw ko. Huminga muna ako ng malalim. Hindi dapat ganito ang iniisip ko sa umaga. Dapat free from stress ang kagandahan ko, dapat malayo ako sa mga abnoy. Salot sila sa lipunan. Nakakasira sila ng kagandahan.

Pagpasok ko sa assigned room ko may napansin na agad akong tao. Ang aga naman niya.


"Why so early Warden? 6:21 pa lang. Di ba 7:30 pa pasok mo?" sinulyapan niya ang wrist watch niya. Prenteng nakataas ang paa sa lamesa ng professor. Sa pagkakaalala ko hindi kami magkaklase, why is he here?


"Why are you here?" tanong ko rin sa kanya.


"So kayo na?" biglang tanong niya sa akin.

Hindi ako tanga. Alam ko ang tinatanong niya sa akin. Pero bigla na lang umurong ang dila ko para sagutin siya. He looked really serious.


"Wala na talaga" umiiling na sabi niya. Saka siya tumayo at lumapit sa akin sa tapat ng pintuan, hindi pa kasi ako tuluyang pumapasok ng classroom.


"Why him? I'm Ferell too" diretso ang tingin niya sa aking mga mata. He's so serious. I can feel it.


"No answer? I just didn't get it Warden. He's always rude to you. I'm always nice. Why my damn cousin?" ngayon nakakunot na ang noo niya sa akin. Habang ako naman ay nakatitig sa kanya.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon