Mission 47

492K 14.7K 2.1K
                                    

Mission 47


Hindi pa naman kami umaalis sa Enamel, dahil dun nakakaatend pa ako sa Gyro Nella. Pero sa pagkakaalam ko ay pinaprocess na ang pagtransfer ko sa dati kong university at habang naghihintay pa ako sa mga dapat piniproseso, nakisali na lang ako sa school festival ng Gyro Nella. Uso pa pala ang ganitong event sa Gyro Nella, nakakamangha.


Kasalukuyan kaming nagmemerienda ni Lina sa rooftop. Dahil school foundation, isang linggong walang klase. Masaya na naman ang mga estudyante. At dahil walang creative sa section namin, nagdecide na lang kami na magbenta ng iba't ibang klase ng candies, chocolates at kung ano anong mga pagkain na nakakasakit ng ngipin. At sa kasamaang palad kami ni Lina ang napagtripan na magsuot ng custome sa klase namin.

Nakasuot ako ng toothfairy na custome, habang si Lina naman ay dentist.


"Kakapagod ding magtinda, nagutom ako.  Tss" reklamo sa akin ni Lina habang ngumunguya ng toblerone.


"Lalo na kung ganito kabanas ang suot mo. Kayamot" kung titingnan naman kasi ang suot namin dalwa, akala mo naman ay napakalamig ng klima sa Pilipinas.


"Kamusta na kayo ni Nero? Nag uusap na kayo?" napaismid ako sa tanong ni Lina sa akin.

Sa apat na araw na pag alis ko sa mansion. Hindi ko pa nakakausap si Nero at napapansin ko na iniiwasan ako ng mga Shokoy dito sa school. Sa loob ng apat na araw ni isang Shokoy, walang pakalat kalat sa mata ko.

Fvckers. Anong pinaglalaban nila?


"Wala na akong balita" tipid kong sagot.


"Bumili ka sa stall nila. Nagtitinda ang section nilang hotdog on stick, section nila ang mabenta so far" napairap na lang ako. The fvck? Hotdog on stick?


"Bakit naman ako bibili? No way" sinimulan ko na ring talupan ang chocolate na nasa toothfairy bag ko. Corny.

Tahimik lang kami ni Lina nang biglang tumunog ang phone niya.


"Hello?"


"Nasa rooftop ako.Pupunta ka dito? okay"


"Si Florence lang.."


"Ha? Ahh. Okay" hindi ko na itatanong kung sino ang tumawag. Kung hindi ako nagkakamali isang Shokoy ang tumawag. Magpapakalbo ako pag hindi walang hiyang Shokoy ang tumawag.


"Si Tristan, sabi niya tataas daw siya ditto kaso nagbago ng isip may gagawin pa pala daw. Ano kaya 'yon? Hindi pa naman siya ang duty sa stall nila. Hmm"


"Wag ako ang tanungin mo. Hindi 'yon pumunta dito dahil andito ako. Those Ferells, they purposely avoiding me" napalaki ang kagat ko ng chocolate. I'm not dumb para hindi ko mapansin na nagtatago sa akin ang mga lamang dagat na 'yon. Dati rati para silang mga kabute na basta na lang sumusulpot sa kung saang saang sulok ng school ngayon kahit anino wala.


"Bakit naman kaya?" tanong pabalik sa akin ni Lina.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon