Mission 10

874K 23.9K 9.7K
                                    

Mission 10


Aldus Ferell


Pinili na lang namin na maupo ulit sa aming napakahabang lamesa habang hinihintay ang pagbaba ni Nero at nang babae.


"Hanga na talaga ako kay Nero. Akala ko ay mahirap paamuhin ang babaeng 'yon. Si Nero lang pala ang katapat" humahangang sabi ni Owen. Ganun na ba kadali 'yon? Bakit kay Nero siya lumapit? Mas di hamak na mas gwapo naman ako sa isang 'yon.


"Tunay ba 'yon? Baka naman lang siya ni Nero" komento naman ni Tristan. Napatango ako sa sinabi niya, hindi malayong naharas lang siya ni Nero. Pero kung paano namin sila nakita kanina? Tang ina ka Nero. Ang bilis mo!


"Nakita ng dalwa kong mga mata. May kagatang nangyari, punong puno ng kagat ang babae" kahit ako ay may nakitang mga ebidensiya, bakit ang bilis ni Nero? Gago talaga 'yon.


"Ang bilis naman ng Nero na 'yan aba't kahapon lang dumating dito si Florence, inatake na agad. May tama ang batang 'yan sa akin" may pagsuntok pang nalalaman si LG sa hangin. Hindi malayong kay Nero 'yan tatama mamaya. Masaya na naman ito.


"Walang nangyari sa amin" lahat kami ay napapihit ang ulo sa pinanggalingan nang nagsalita. Sino pa ba? kundi ang mayabang kong pinsan. Tangging pakamay ang gago. Sana nga nagsasabi siya ng totoo. I like that girl.


"Bumaba na pala ang drug lord, kamusta ang transaksyon kagabi?" nakakalokong tanong ni Troy. Ano ba ang aasahan sa kanya? Tsismoso.


"He's happy, ofcourse" singit ni Tristan na may kasamang paghikab. Ano kaya ang ginagawa nito tuwing gabi?

Nanatili na lang akong tahimik sa isang tabi, mahirap na baka madamay pa sa init ng ulo ni LG. Mabuti pa na pabayaan ang tatlong pinsan ko na kausapin si Nero, alam kong nag iipon lang ng lakas si LG. Sasabog 'yan, bahala kayong apat.

Nasa dulong upuan si LG, sitting like a boss.


"Nero, magpaliwanag ka" seryosong sabi ni LG. Ito na ang pinakahihintay ko, sige LG paulanan mo ng mura si Nero.


"Ano ang nangyari?! Papaanong napunta si Florence sa kwarto mo?!" napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni LG.


"Hindi ko alam sa babaeng 'yon. Siya ang tanungin mo. Baka may balak siyang masama sakin? O kaya nahumaling sa akin? Alam nyo nasa dugo na natin" sagot lang naman ni Nero na may kasamang pagkibit balikat. Bakit parang gusto ko siyang suntukin?


"Oh?" sabay na sabi nang tatlong gago at may kasamang pang paghaba ng nguso. Masigla na naman ang mga pinsan ko, lalo na at ganito ang usapan. Ang saya talaga ng pamilyang ito. Amen.


"Nero makinis ba?" tanong ni Owen. Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo ni LG. Kung pwede lang na umalis na dito para hindi na ako madamay ay nagawa ko na.


"Sexy?" tanong din ni Tristan. Akala ko ba inaantok ang isang ito?


"Fluffy?" tanong din ni Troy. Fuckers. Bakit ang mamanyak nila? Buti na lang goodboy ako.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon