Mission 41

515K 16.8K 6.8K
                                    

Mission 41


"What? He's with someone?" tanong ni Tristan.


"Gagong 'yon" yamot na sabi ni Owen.


"'Nasaan na daw?" tanong ni Aldus.


"On the way na. Sabi niya maghanda daw tayo ng kwarto, may kasama daw siya" sagot ni Troy. Pakiramdam ko ay lahat sila ay nakatitig sa akin at kahit ako ay hindi ko kayang maimagine ang ekspresyon ko ngayon.


"Anong problema ng gagong 'yon?" iritadong tanong ni Owen.


"Well, I'm sure babae ang kasama niya. Hindi naman 'yon magdadala ng lalaki dito. Haha" medyo awkward na sabi ni Troy na medyo may pagsulyap sa akin. To check kung ano ang magiging reaksyon ko.

Itiningin ko na lang ulit sa labas ng bintana ang mga mata ko. At kung pwede nga lang sana ay hindi ko na rin naririnig ang mga pinagsasabi nila.


"Hello? LG?" napalingon ako kay Aldus. Tinawagan na pala niya si LG.


"Alam mo ba na may kasama si Nero ngayon? Dadalhin niya sa mansion!? LG? diba hindi 'yon pwede?" iritadong iritado na rin si Aldus halos mapasabunot na lang siya sa sarili niyang buhok. Tumingin na lang ulit ako sa labas at nanuod nang pumapatak na ulan. Ang bilis niya namang makahanap. Tang ina niya.


Naiiyak na naman ako. Sumabay pa yang ulan na yan.


"What?!!! Fuck Fuck! LG! Bakit ka pumayag? What about Warden?" halos mapapikit na ako sa mga mura ni Aldus sa cellphone niya. Hindi ba niya alam na si LG ang kausap niya ngayon?

Muli kong tiningnan ang mga magpipinsang Shokoy, they're all looking pissed off. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung anong dapat kong maramdaman sa inaasta ng mga Shokoy na yan. Worried ba ang tawag diyan?


"Tang inang Nero'ng yan!" yamot na din si Tristan.


"Doll? Can you be my girlfriend?" biglaang tanong sa akin ni Troy. Napatulala na lang ako sa tanong niya. Maging ang mga pinsan niya ay napakunot ang noo sa tanong niya sa akin.


"What the fuck Troy?! Umayos ka nga" ibinato ni Tristan ang throw pillow kay Troy na agad naman niyang nailagan.


"Dapat may boyfriend si Doll pag umuwi dito si Nero" sagot niya kay Tristan


"No, it's okay. I'm good" bahagya akong ngumiti sa kanilang apat. I know they're all worried. At natutuwa ako sa mga reaksyon nila para sa akin. I know they all cared about me.

Hindi ko alam kung kalian sila nag umpisang magkaroon ng pag aalalang ganyan sa akin. We used to be enemies, halos magpatayan na kami sa mansion at hindi ko akalain na magkakaganito sila para sa akin.


"Nasisiraan na ba ng bait yang si Nero? Bakit siya mag uuwi ng babae dito? Si Wada lang ang pwede dito" natouch ako sa sinabing 'yon ni Owen. Parang dati lang ay gustong gusto na nila akong palayasin sa mansion.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon