Mission 15

1M 25.6K 17.1K
                                    

Mission 15



"That's your problem Hood. The moment you entered in my territory you're already mine. I'm going to manipulate everything just to make you fall in love with me" natigilan ako sa paglalakad dahil sa narinig ko mula sa kanya pero mas pinili kong hindi lumingon sa kanya at manatiling nakatalikod sa kanya. Ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya?

Napayapos na lang ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin sa aking katawan. Ito na naman ang kakaibang lamig na hindi ko maipaliwanag.Dahil ba ito sa hangin o dahil ito sa biglaang kong narinig mula sa lalaking ito?

Hindi pa rin ako masanay sa reaksyon kong ito sa tuwing nagbibitaw si Nero ng mga salitang bigla na lamang lumalabas sa makasalanan niyang labi.

Pilit kong pinagsalipot ang aking mahaba at alon alon kong buhok dahil sa patuloy na paghampas ng hangin.


Nagsimula na ulit akong maglakad. Hindi ko alam kung paano ako magbibigay reaksyon sa sinabi niya. Maniniwala ba ako sa kanya? O isa na naman ito sa mga kalokohan niya? Sa bawat hakbang ko iniisip kong mabuti kung totoo ba ang lumabas sa bibig ng Shokoy na iyon. Baka naman kulang lang siya sa inom ng gamot kaya ako ang napag abutan ng sumpong niya o kaya naman baka full moon ngayon kaya sikal na naman na mag walang hiya ang hari ng mga Shokoy.

Wala sa sariling napatingala ako sa langit. Pero isang payapang puting ulap lang naman ang aking nakita. Wala namang delubyo. Ngayon ko lang napansin na nakakadalwang hakbang pa lang pala ako. Masyado ata akong naguguluhan sa mga pangyayaring ito. Wala sa mga plano kong mmingwit ng Shokoy.

Ihahakbang ko na sana ulit ang aking mga paa pero sa pangalawang pagkakataon natigil na naman ako.


"Babe, what happened to your lips?" malanding boses ng babae. Agad pumihit ang ulo ko sa narinig ko. At nakita kong may apat lang namang babae na nakapulupot na kay Nero. May dalawang babae sa kanyang magkabilang braso habang ang dalwa naman ay abala sa pagpupunas sa putok niyang nguso at dumudugong ilong. Saan nanggaling ang mga higad na 'yan?



"Kailangan ka na naming dalhin sa clinic Nero dear"



"Honey, bakit ka ba nakipag away ha?" malanding tanong ng babae sa kanan habang hinahaplos haplos pa ang braso niya.



"But you're still hot with that bruises" singit naman ng babae sa kaliwa.



"Baby, please be careful madami kaming nag aalala sayo" sabi naman ng isang babae habang pinupunas punasan ang nguso ni Nero. Ang malanding lalaki feel na feel naman. Para siyang santo kung sambahin ng mga babaeng 'yan. Daig pa nila ang deboto ng itim na nazareno kung makahaplos kay Nero.

Ang huli kong pagkakatanda ay Shokoy ang isang'yan? Bakit parang santo na siya ngayon? Ano nang nangyari sa 'manipulate everything' na sinasabi ng lintik na Shokoy na 'yan kani kanina lang? Anong sinasabi niyang 'fall in love with me' sa nakikita kong 'yan? Malandi!

Muntik pa akong magpaloko. Nakakatatlong hakbang pa lang ako palayo. Apat na agad ang nakasabit sa kanya, magsama silang lahat.

Narinig ko na lang ang tawa ni Nero dahil sa mga papuri sa kanya ng mga higad niyang babae. Bahala kayo. Nagmadali na akong umalis sa parking lot na. Puro kalandian lamang ang naririnig ko. Hinding hindi ko talaga siya mapapatawad. Una ninakawan ako ng halik, pagkatapos pinagtripan niya ako sa walang kwenta niyang Oto. And worst! lasa daw akong rambutan?!


Hindi ba dapat ganito ang maririnig ng isang magandang babae na kagaya ko sa first kiss niya?


"You had the sweetest lips Florence"



Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon