Mission 11

791K 23.3K 7.3K
                                    

Mission 11


"No need, Hood. Alam ko naman na kusa ka nang lalapit sa akin. Bakit pa ako magpapakahirap na tawagin ka?" natigilan at nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.


"Speechless" natatawang sabi ni Troy na may kasama pa na pagsipol. Nang aasar ba siya?


"Tumigil na kayo! Bakit ba gustong gusto nyong magpatayan ang dalwang 'yan?" saway ni LG.


"What happened Hood?" nakangising tanong niya sa akin. Kailan pa naging Hood ang pangalan kong Florence?

Dahil wala akong mahanap na isasagot ko sa kanya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Pero habang pinakakatitigan ko siya, napapamura na lang ako sa sarili ko. I can't see any flaws on his well-defined features. Why so handsome? What the fuck? Am I admiring him?


"You're staring too much huh?" He smirked at me. Ang kapal talaga! Agad kong nahagip ang pinakamalapit na vase sa akin.


"Susmariosep!" pakinig kong sigaw ni LG. Nagsitayuan na silang lahat maliban sa walang hiyang Nero Ferell.


"Ang vase!" senyas niya sa mga apo niya. What's with this vase? Alam ko namang kaya nilang makabili pa ng bago. Bakit masyado naman silang naaalarma? His head deserves to be hit by this vase.

Pero masyadong mabibilis ang magpipinsan at naaagaw nila sa akin ang vase na hawak ko.


"Nero! Tumahimik ka na! Bakit ang tigas tigas nang ulo mo?" angil ni LG kay Nero Ferell na walang pakialam.


"Bibigyan ko ng leksyon ang mayabang na 'yan!" lalapitan ko na dapat siya nang pigilan ako ng tatlong Ferell.


"Bitawan nyo ko!" bakit gustong gusto nila akong ginagapos?


"Siya ang nanguna LG, asar talo" pangangatwiran ni Nero sa kanyang lolo.


"Anyway, I need to go. Kailangan ko ng anti rabies" itinuro niya ang parte ng leeg niyang kinagat ko. Bahala siya sa buhay niya kung saang doctor siya magpunta ang mahalaga ngayon ay namumula ang leeg niya dahil tindi ng ganti ko sa kanya.

Tumalikod na siya at ang mayabang namulsa. Pero hindi pa man nalulusaw ang anino niya sa paningin ko bigla siyang bumalik. Mukhang may nakalimutan ang mayabang na Ferell.


"See you around, Hood. Keep my kiss marks and I'll keep this too" itinuro pa niya ang leeg niya at kumaway na siya paalis. What the hell?

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin namin ay agad na akong nagsalita.


"Pwede nyo na ba akong bitawan?!" iritadong tanong ko.


"Owen nakaalis na ba si Nero?" paniguradong tanong ni LG.


"Positive LG! lumayas na ang pahamak! Safe na" sagot ni Owen na may kasama pa na pag thumbs up.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon