Mission 30

672K 18.4K 4.2K
                                    

Mission 30


"Troy! Bawiin mo nga ang sinabi mo, hindi tuloy magpalambing sa akin si Florence" sa sinabing 'yon ni Nero pakiramdam ko ba ay nag init ang buong mukha ko. Nakakainis talaga ang Shokoy na ito. Ayoko nga ng PDA! Bakit kaya ang saya saya ng Shokoy na ito pag inis na inis ako?

Mabilis akong nakabawi sa kalandian ng Shokoy kong boyfriend. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking mukha. Darn Nero.


"Ang dami mong sinasabi" agad kong hinablot ang ulo niya na nakabaling sa kina Troy. I hold his chin para mapaharap sa akin. At mabilis ko siyang sinalubong ng tatlong fries sa kamay ko.


"Open your goddamn mouth" pikon kong sabi sa kanya. Nakangisi na naman siya sa akin. 


"Don't like PDA Hood?" pinagtaasan ba naman ako ng kilay ng Shokoy! Sa pagsasalita niyang 'yon agad kong isinubo sa kanya ang fries na hinihingi niya. Kinain naman niya, sa katunayan nakangisi pa siya habang nginunguya ang ang fries na isinubo ko. Habang ako naman ay kunot na kunot ang noo.

Bakit pakiramdam ko ay kanina pa akong inaasar ng Nero Ferell na ito?


Inumpisahan ko na rin ang pagkain ng sundae at hindi ako makapag concentrate sa pagkain ko dahil sa titig na aking Shokoy na boyfriend. Pakiramdam ko ba ay nagkakasala sala na ang pagsubo ko. Tapos na siyang kumain. AT ang tangi niya na lang ginagawa ay pagmasdan ang bawat pagsubo ko.


"Stop staring Nero"


"Uhmmm?" patay malisya niyang sagot. Nakatukod sa kanan niyang kamay ang mapang asar niyang mukha habang pinapanuod ako. Sinasadya niya yan, alam ko.


"Nero. I can't eat. Umayos ka nga!" sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.


"Fvck! What was that for?" natatawa pa siya habang hinawakan ang binti niyang sinipa ko.


"Ewan ko sayo" Inirapan ko na lang siya. Hindi din nagtagal ay nakita ko na rin si Tristan na may hawak ng tray. Mukhang nagutom ang antuking Shokoy.

Dumiretso siya sa table ni Aldus, malapit lang sa table namin ni Nero.


"Anong oras ng game Aldus?" tanong ni Tristan.


"Alas tres pa" sagot ni Aldus.


"Sa Villa tayo tutuloy?" pakikisabat ni Nero.


"Siguro dun na tayo matutulog. Nakakatamad ng bumiyahe mamaya, nandun naman siguro si Manang papahanda na lang tayo" sagot ni Aldus.


"Wait? Saan? Wala akong dalang damit" nakisali na rin ako.


"Let's buy. After the game" sagot sa akin ni Nero.


"Okay" sagot ko na lang. Sinulyapan ko ulit sina Troy at Owen. Mukhang hindi pa naghahati ang kinakain nila. Palibhasa busy sa babae. Ni ako hindi pa din naghahati sa pagkain ko dahil dito sa lalaking nasa harapan ko.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon