Mission 4

786K 22.4K 3.4K
                                    

Mission 4


Gabi na nang makarating ako sa isang apartment ng inihanda sa akin ni lolo. Pinili ko agad matulog ka kabila ng pagiging hindi ko kumportable sa lugar. At bago ko ipikit ang aking mga mata, hindi ko maiwasang isipin ang mga huling salitang binitawan sa akin ni lolo.

There is something on his words, why am I having a goosebumps?


Maaga akong nagising kinabuksan dahil sa pagiging hindi kumportable ko. I need find a safe and comfortable place for me. I can't survive with this small space right now.

Dahil hindi ko pa alam kung saan ako pupunta mas pinili ko na lang munang maglakad lakad at dito ako napadpad sa isang palengke na sobrang sikip, ang daming tao, mga amoy na naghalohalo, madaming kalat at sobrang ingay. Sa madaling salita ay sumasakit na naman ang ulo ko.


Nakapunta na rin ako sa ganitong palengke noon, sa panahon ngayon kahit mayaman pumupunta sa mga ganitong lugar. Una akong nakarating sa isang palengke kasama sina lola at lolo, hindi anak mayaman si lola kaya lagi niyang pinapamulat sakin na kahit mayaman kami dapat may alam ako sa buhay, dapat gumagalaw din ako na hindi ginagamitan ng kapangyarihan ng dolyar. Sumang ayon na lang ako para hindi na humaba ang usapan.

Saan naman kaya ako pupunta nito?


Naisipan ko munang magpalamig ng ulo kaya naupo ako sa isa sa mga karenderia dito at umorder ng halo-halo. Wala na akong pakialam kung malinis ba ito o hindi. Hindi naman siguro ako mamatay agad.

Bukas na bukas ang karenderiang ito at kitang kita ang mga nagdadaan na tao. Habang nagmamasid masid ako may napansin akong gusgusing matanda at may nakasunod sa kanyang nakaitim na lalaki. Napaismid na lang ako sa nakikita ko, tipikal na ang mga ganitong eksena sa palengke.

I'm sure, nanakawan niya ang matanda. Hahabulin siya ng matanda tapos hindi maabutan, saka dadating ang mga pulis dahil tapos na ang lahat. Napahikab na lang ako. Papanuorin ko pa kaya? Alam ko na rin naman ang mangyayari.


Hindi ko alam kung anong pumasok ko at nanatili akong nanunuod. Hindi rin nagtagal ay hinablot na ng nakaitim na lalaki ang hawak na bag ng matanda. Muli na naman akong napaismid, kung magnanakaw na nga lang doon pa sa kakaunti ang makukuha. Hindi rin nag iisip ang magnanakaw na ito. Ano naman kaya ang makukuha niya sa bag ng matandang 'yan?


"MAGNANAKAW!" sigaw ng kawawang matanda. Gusto kong palakpakan ang sarili ko, pwede na akong direktor ng isang palabas kuhang kuha ko ang mga eksena.

Wala akong balak tumulong sa ganitong bagay, ano na lang ba ang kaya kong gawin sa pagkakataong ito? Pero masyado atang tanga itong magnanakaw na ito dahil mukha sa tapat ko pa dadaan. Pasensiyahan tayo, medyo pakialamera lang ako. Habang mabilis siyang tumatakbo dahil sa ninakaw niya mabilis kong pinatid ang paa nang padaan na siya malapit sa lamesa ko. At sa pagkakapatid niyang 'yon kinuyog na siya ng taumbayan.

Nagkibit balikat na lang ako at muling pinagpatuloy ang pagkain ng halo halo habang binubogbog ang magnanakaw sa bandang kanan ko. Bakit kailangan magnakaw kung pwede namang magtrabaho ng marangal at matino? Pathetic.


"Hija salamat" lumapit na sa akin ang matanda kanina. Hawak na niya ang bag na kinuha sa kanya ng magnanakaw. Good for him.

Tumango na lang ako sa kanya. I don't talk to strangers.


"Hija, pwede ba akong magpasalamat sayo?" napalingon naman ako sa matanda. Hindi ba nag pasalamat na siya kanikanina lang?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon