Mission 29

724K 20.5K 3.8K
                                    

Mission 29


Umaga na naman. And thanks God it's Saturday.

Saturday is my favorite day dahil wala akong dapat alalahanin para sa kinabukasan. Tiningnan ko ang alarm clock ko sa side table. Mag nanine na pala. Mabilis akong nagpunta sa banyo at naligo.


Habang bumababa ako sa hagdaanan agad kong napansin na nakajersey ang mga Shokoy, mukhang may laro.


"May laro kayo?" tanong ko sa kanila habang pababa ako ng hagdan.


"Yep! Sama ka Doll mag cheer ka sa amin" pagyaya sa akin ni Troy. 

Bahagya akong nag isip. Wala naman akong plano ngayong araw, so? Manunuod na nga lang ako ng laro nila? I should try to watch how they play. 


Napansin ko na natigil ang pagsisintas ng sapatos si Nero. At nakataas ang isa niyang kilay habang nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong naconscious sa suot ko. Simpleng shorts lang naman at gray tee. Wala naman sigurong kapintas pintas sa suot ko ngayon, nakapagsuklay na naman ako? Is there something wrong with my outfit today?

Ano na naman ang gusto mo Nero Ferell? Pasimple ko siyang inirapan.

Narinig ko siyang bahagyang tumawa. Iiling iling siya habang itinutuloy ang pagsisintas ng sapatos niya. Nang aasar talaga ang Shokoy, agang aga. At napansin ko rin na pareparehas nang nakakunot ang mga noo ng mga Shokoy sa amin ni Nero. Probably they noticed.


"Is it just me? O pati kayo mga pinsan? Bakit pakiramdam ko naglalandian si Nero at si Wada?" pabaling baling sa akin at kay Nero ang tingin ni Owen na may nakakunot na noo.

Agad nag init ang mukha ko sa napansing 'yon ni Owen. Are we that obvious?


"Haha. Guni guni lang natin 'yon" natatawang sagot ni Troy sa kanya.


"Tara na nga! Iwan na nga natin ang dalwang yan dito. Maawa tayo kay Nero pasulyap sulyap na lang kay Wada hindi makahawak nahihiya ata sa atin"

Mabilis tumaas ang middle finger ni Nero Ferell sa kanyang pinsan. Sabay sabay silang nagsitawanan habang naglalakad na palabas. Shokoys.

Kaya ang nangyari naiwan kami ni Nero dito. Awkward. Mayabang siya ngayong nakatingin sa akin.


"If you want to come, you better change. That's too short" nakangusong sabi niya sa akin.


"Hindi naman" sagot ko sa kanya. Ayos naman ang shorts ko. Hindi naman revealing ah. What's wrong with this Shokoy?


"Don't come then" tumayo na siya at nagsimula ng lumabas. Seriously? Dahil lang sa suot ko hindi ako pwedeng sumama?


"Bakit ba ang arte mo? Oo na. Eto na nga! Wait lang magbibihis lang ako! Napakaconservative naman kasi" padabog pa akong nagmartsa pataas. Kailangan kong magbihis ng mabilis kasi siguradong iiwanan ako ng mga Shokoy na 'yon pag nagtagal pa ako.

Wala pa sigurong 5 minutess ay nakakababa ako, halos takbuhin ko na nga ang labas. Nakabukas na ang van na sasakyan namin. Agad akong sinalubong ng titig ni Nero Ferell, ang conservative kong boyfriend. 

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon