Mission 67

440K 13.8K 1.2K
                                    

Mission 67


Habang nasa biyahe kami, wala man lang nagsasalita sa amin. Mas lalo akong kinakabahan sa katahimikan nilang tatlo. Anong sasabihin ni Lolo? Panibagong problema na naman ba? Dapat na naman ba akong matakot? Iluluha ko na naman ba ang sasabihin niya?

Wala na ba talaga itong katapusan? Hindi na ba ako makakahinga ng maayos?


Napansin ko na hindi kami papunta sa bahay ni Kuya Nik. Alam ko kung saan kami papunta, sa mansion ni Lolo. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa mansion ni Lolo. This way is a bit nostalgic. Madalas akong nagpupunta dito noong buhay pa si Lola.

This setup is a bit unusual. At talagang ipinagtataka ko na ito simula pa lang. I did not expect that my cousins from my mother side will be this close to my grandfather in my father's side. Bihirang bihira ko pa silang makitang nag uusap noon at kung mag usap man ay casual lang.

Why all of the sudden? I can feel that they very know each other too well, na para bang ang haba nang kanilang pinagsamahan. Bakit pakiramdam ko ay may inililihim sila sa akin. Ngayon na ba ang araw ng pag amin nila? Dapat ba akong kabahan o matakot?

Pero ang isa sa malaking tanong ko, bakit nila ako kailangang paglihiman?


Nakarating na kami sa mansion ni Lolo. At nagdiretso kami sa library niya kung saan doon sila madalas mag usap ni Daddy kapag may importante at seryoso silang pag uusapan.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng library, ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung malakas lang talaga ang aircon o talagang nilalamig ako.



"You might hate us for this Florence.." biglang sabi ni Kuya Nik na agad nakapagpakunot ng noo ko. Hate for what?



"What do you mean Kuya?" tanong ko sa kanya.



"Nik, let me explain it to her" tumango lang sa kanya si Kuya Nik. Nakaupo na ngayon si Lolo sa madalas niyang pwesto. Nakita kong hinila niya ang drawer sa ilalim ng table niya.

And he gets something in there, kung hindi ako nagkakamali ay litrato 'yon ni Lola.



"Florencia..sana maipaliwanag ko ito ng maayos sa apo natin"



"Lolo..." kinakabahang sabi ko. What is this? Anong aaminin niya?

Lumingon ako sa dalawa kong pinsan. Tahimik lang silang nakasandal sa pader na kapwa mga nakapamulsa. Alam kong mga balisa rin sila, they're my cousins afterall all. I can understand them through their simple gestures.

Kung ganun, matagal ng tama ang kutob ko. May inililihim sila sa aking matagal na. Kailan ko ba huling naramdaman ang ganito? Yes, tama. Nararamdaman ko rin ito sa mga Ferell. Sometimes I'm having this feeling na may itinatago pa rin ang mga Ferell sa akin. Are they somewhat related in here?



"Apo, isa lang ang masasabi ko. Lahat ng ginawa namin ay para sa kaligtasan mo"



"I know that Lolo, kaligtasan ko" mapait kong nasabi. Ligtas nga ako, pero sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Sobrang bigat na parang gusto nang sumabog.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon