Mission 31

668K 18.3K 3.4K
                                    

Mission 31


Damn, mali ang iniisip nila.


"Florence, I'll be honest to you. Yes, I'm happy for you and to our Aylip for another success but--" pansin ko ang pag aalangan niya kung itutuloy niya ang sasabihin o hindi.


"Aish! My turn Antonia Scarlett! Just don't prolong the agony Florence. Wreck him as quickly as possible. I'm reminding you friend, don't play on fire for so long. Ikaw lang ang masasaktan" kung ano ang pag aalangan ni Tanya siya naman itong ka straightforward ni August.

Malamyang tumango si Tanya sa sinabi niya.


"Nakikita ko na naiinlove ka na rin sa kanya Florence. Hindi yan pwede" naiiling na sabi sa akin ni Tanya. Bakit pakiramdam ko ay nagsisimula nang mamanhid ang buo kong katawan sa naririnig ko sa kanilang dalawa.


Mali ang iniisip nyo, walang kinalaman ang Aylip dito. I am really in love with him" mahinang sabi ko sa kanila. Mas lalong lumitaw sa mga ekspresyon nila ang hindi pagsang ayon sa sinabi ko. Halos hindi nila alisin ang matamang paninitig sa akin na para bang sinusukat ang mga sasabihin o anumang magiging reaksyon ko.

Hindi ko akalain na makakakilala ako ng Aylip member sa lugar na ito. At lalong hindi ko maisip na sa ganitong sitwasyon ko sila makikilala.


"I'm telling you truth" seryosong sabi ko sa kanila.


"We know the rule Florence. Hindi ka na namin pipiliting umamin" seryoso ding sabi ni August.


"Nasilip ko ang action plan ng Aylip last 2 months ago. I saw Nero's name" walang buhay na sa sabi ni Tanya. Mas lalo akong natigilan sa sinabi ni Tanya.


"Walang ibang Aylip na nakaaligid sa kanya kundi ikaw, sinubukan kong alamin kung sino ang nakaassign sa kanya pero hindi ko nalaman" pinakatitigan niya ako pagkatapos niyang magsalita. Inuobserbahan niya ang magiging reaksyon ko.


"And I heard it is someone's first assignment" pahabol pa niya.


"Sa tingin mo sino?" medyo sarcastic na sabi sa akin ni August.


"I never contacted Aylip. I love him tapos ang usapan" humakbang na ako palayo sa kanila. Hindi ko kaya ang usapang ito. Bakit naninikip ang dibdib ko sa naririnig ko sa kanilang dalwa?

Pero alam ko hindi sila nakuntento sa mga sagot ko. At inaasahan ko na ang mabilis na pagsunod nila sa akin. Ayoko na!


"Don't tell us, susuwayin mo ang Aylip?" pagpigil sa akin ni Tanya.


"Wala akong sinusuway!" napataas na ang boses ko. 'Yong mga napapadaang mga tao sa aming tatlo ay puros mga nakakunot ang noo. Nakakakuha na kami ng atensyong tatlo dito.

Kapwa nakaawang ang mga labi nila sa naging sagot ko.


"Damn, she admitted it" mura ni August.


"How can we help her August?" tanong ni Tanya.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon