Mission 50

495K 15.1K 2.4K
                                    

Mission 50


Napasalampak ako sa upuan ng stall namin.


"O te? Anong nangyari? Kayo na ba ulit ni Aristotle? Nakalimutan mo na si Nero?" wala sa loob akong lumingon kay Lina.


"Sino si Gobernor?" tanong ko sa kanya.


"Hindi mo siya kilala? Talamak na ang pangalang gobernor sa buong GyroNella, how come hindi mo alam?" natatawa pa siya sa akin.


"Sa hindi ko nga kilala! Ano ba ang problema ng gobernor na 'yon sa akin? Pinapahanap niya ako" humagalpak si Lina sa sinabi ko. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko?


"Tauhan ni Nero si gobernor, pinapabantayan ka malamang" ha? Bakit may tauhan tauhan ng nalalaman ah?


"Ano? Tauhan lang ni Nero ang gobernor?" naguguluhang tanong ko. Aba't anong nakain ng gobernor at sunod sunuran sa Shokoy na 'yon?



"Florence? Are you sick? Baka ang akala mo ay ang Gobernor ng Leviathan ang sinabi ko?" sino pa ba?


"Bakit hindi ba?" nagtatakang tanong ko. Saan pa bang gobernor?


"You're impossible Florence! Si Troy Ferell si Gob! Ano ka ba?" napanganga naman ako sa narinig ko. Kailan pa naging gobernor ng school si Troy? Diba basta na lang siya nahinga? Bakit bigla na lang nagkaroon ng pakialam sa school si Troy Ferell?


"Gobernor 'yon ng school? Bakit hindi ako inform? Self-proclaimed ba? Botohan? How? Lokohan ito" napangiwi ako. Shokoy na 'yon naging gobernor pala, ang galing ah! Papalakpak na ba ako? 


"Hindi naman ng school. Basta ang sabi sabi daw ay tatakbo siyang gobernor ng Leviathan" saan naman nanggaling 'yon? Napaismid na lang ako. Akala ko naman kung sinong gobernor? Si Troy lang naman pala, walang kwenta.


"Nagpatayo siya ng overpass sa tabi ng school. Mamaya nga ang blessing at ribbon cutting. And I have an invitation" inabot sa akin ni Lina ang invitation.

Ano na naman kayang tumatakbo sa kokote ng tagapag mana ni LG? Bakit umiiral na naman ang pagiging madami niyang alam? Mukhang nakakalimutan na siyang painumin ng gamot ng mga pinsan niya. Siguro ay pinapababayaan na lang sila ng Sapphire na 'yon na maghasik ng lagim. Tingnan nyo ang nangyari? Nawala lang ako ng ilang araw sa mansion may Shokoy ng nagpasyang mag gobernor! Aba matinde! Ano pa ang pwede nilang gawin? Baka mamaya may mag astronaut na sa kanila, o kaya manulay sa lubid at kumain ng apoy. At baka may magpresidente pa sa kanila! Galing! Nakupo. Nakakahiya naman.

And worst! Baka sabay sabay silang makabuntis! Mabuhay!


Oh well. Wala na nga pala akong pakialam sa kanila. Nagfile na ako ng resignation letter, ayaw ko na nga pala. Masyado naman akong mag isip. Ang arte mo Florence!

Lumipas ang mga oras at sa awa ng diyos. Wala pa rin kaming benta. Buti pa si gob, nakakabenta. Hay. Wh—what? Bakit nakikigob na rin ako?


"Girls, bakit hindi kayo bumili sa kabila? Kahit 'yong sukli nyo dito ibili nyo sa kanila. Sayang naman ang custome e" agad tumaas ang kilay ko sa narinig ko mula sa lapastangang gobernador! And guess who? Kasama na niya ang ex ko. Oo ex! Pinanindigan na niya akong hindi pansinin pero bakit parang ang bitter nila sa akin?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon