Mission 12

769K 21.8K 5.6K
                                    


Mission 12


Lahat sila ay napatulala sa akin nang sandaling sipain ko ang pintuan. Dapat ay kakatok talaga ako pero mas pinili ko ang dramatic entrance para makuhang tuluyan ang kanilang atensyon. Malay ko kung masyado silang abala sa panunuod ng mahahalay na palabas?

At mukhang tama ang ginawa ko, naaagaw ko ang kanilang atensyon. Sa nakikita ko sa kanila ngayon malapit nang magsuntukan sa kanila. Sila na nga ang magkakasama sa iisang bahay, sila pa ang nagkakasakitan. Tsss, mga pasaway talaga ang mga camera shy na ito.



"Ano naman 'yang ginagawa nyo?" itinaas ko ang kilay ko sa kanila.



"May nagpatawag ba sa kanya?" kunot noong tanong ni Nero sa mga pinsan niya. Masama niya akong tinitigan. Itinaas ko na lang ang aking kilay at binalewala siya , mag uumpisa na naman kami? Nakakapagod din na makipagtalo sa isang 'yan. Dapat talaga ay pinagpapasensyahan ko na lang siya at hindi na pinapatulan para iwas sa sakit sa ulo.



"Bumaba kayo may pag uusapan tayo" seryosong sabi ko sa kanila.



"Miss, may ginagawa pa kasi kami pwede mamaya na lang?" sagot sa akin ni Aldus na may kasama pang pagkamot sa ulo.



"Marami pa akong dapat gawin, mukha namang walang kwenta 'yang gingawa nyo. Sa tingin nyo mas may halaga ba ang naudlot nyong kalokohan sa sasabihin ko?" mataray na sagot ko sa kanya. Ano ba pa ang gagawin nila? Magsusuntukan muna sila? Hindi ba pwedeng makinig muna sila sa akin bago sila magbasagan ng ulo?

I rolled my eyes on them.

Nagpalingon lingon ako sa loob ng kwarto. Infairness, malinis naman ang kwartong ito. Naglakad ako sa bandang dulo at tumigil sa maliit na lamesang nasa harapan ko.



"Hey, what are you doing?" tanong sa akin ni Troy. Siguro ay sa kanya itong kwarto. Napaismid na lang ako nang makita ko ang mga nakapatong sa table. FHM magazines lang naman. Basta ko na lang pinagtatapon sa sahig ang mga magazines niya.

I just need the table.



"What the fuck? Mga bagong bili pa 'yan" nagmamadali niyang pinulot ang mga magazines niya.

Sinimulan ko na ang paghila sa lamesa na talagang nakakagawa ng malakas na ingay. Halos matawa ako nang makita ko ang kani kanilang reaksyon sa mga pinaggagawa ko. Sige, manuod lang kayo.

May ganito lang naman silang ekspresyong lima. 'What the hell is she doing?'



"What's wrong with her?" pakinig kong tanong ni Nero sa kanyang mga pinsan. Malalaman mo rin Nero Ferell.

Tumigil ako sa harapan nila at binitawan ko na ang lamesa. Mabilis akong umupo dito at eleganteng nagdikwatro kulang na lang siguro ng tagapaypay para masabing isa akong reyna na nasa aking trono. Damn this thoughts Florence.



"We can now start" hindi ko maiwasang hindi mapairap sa iba't ibang reaksyon nakikita ko sa kanila. May nakakunot ang noo, may nakangisi, may mukhang nagtataka at may'ron din na mukhng natatawa. Anyway, I don't care at all.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon