Mission 66

420K 13.1K 2.4K
                                    

Mission 66


Huminga ako ng malalim bago ako bumaba ng sasakyan. We're here. Agad akong pinagitnaan ng mga pinsan ko. I know they came along here just for me.


"I'm nervous" mahinang sabi ko sa kanila. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari, something might happened like how it goes last time.


"Don't worry we're here, I won't allow them to hurt you" sagot sa akin ni Gio.


"Nobody's gonna hurt her here, Come on Gio. Don't overreact" sagot naman sa kanya ni Kuya Nik.


"Just in case" kibit balikat na sagot pabalik ni Gio. How lucky I am for having these loving cousins, they're the best.


"That's enough, let's go" putol sa kanila ni Lolo na pinili na lang manahimik sa bawat pagtatalo ng dalawang kasama ko. Tahimik lang kami habang naglalakad. I just want to attend his last day, I hope they'll allow me atleast. Hindi naman ako manggugulo. Kung pwede nga lang ay makita ko siya kahit sa pinakahuling pagkakataon. He's my savior, dapat ako ang nasa posisyon niya ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ko na ang mga taong puros nakaitim. Ramdam ko na lang ang sabay na paghawak ni Gio at Kuya Nik sa kamay ko.



"We can stay here, if you want" sabi sa akin ni Gio.



"I want to go nearer... and wait can you please release my hand?" I tried my best to sound usual. But my cousins know me very well. Binitawan nila ang kamay ko at halos sabay silang namulsa.



"You're too nervous" sabi ni Kuya Nik.



"Yes, I am" sagot ko na lang.



"And too cold as well, sobrang lamig ng kamay mo. Ano ba talagang ginawa nila sayo at nagkakaganyan ka?" I never did tell them kung ano talaga ang nangyari sa chapel. Baka lalo lang lumalala ang lahat.



"Nothing" nanatili lang tahimik si Lolo sa pag uusap naming magpipinsan.



Unang pagtapak ko pa lang ramdam ko na ang tingin nila sa aking hindi pagtanggap. Karamihan sa kanila ay ngangayon ko lang nakita. But looking on their features, alam kong mga Ferell silang lahat. And I'm sure they all knew me. The girl who to blame. The reason why Tristan's dead.



Bahagyang bumulong sa akin si Gio.



"I don't want the way they looked at you" umiling na lang ako sa sinabi ni Gio. Kukumbinsihin ko pa sana ang pinsan ko na okay lang nang narinig ko ang boses ni Nero.



"Florence..." bigla na lang niya akong niyakap. How I missed him. How I love to hug him but I know this is not the right place and right time for this. Mabilis akong kumalas sa yakap niya.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon