Epilogue

806K 19.4K 11.5K
                                    

Epilogue


I let her go.


My love of my life left me. Seeing her running away from me..

Muli kong inisang lagok ang isang basong alak atagad gumuhit ang pamilyar na init sa aking lalamunan. Tang ina. Akala ko nakakapagpalimot ang alak?

Why I'm still seeing her with tears flowing on her beautiful face?

Napasubsob na lang ako sa lamesa. What the hell is going on? Did she, did she really left me? Baka naman nagtatampo lang siya sa akin? Baka naman nabigla lang siya? Baka naman nanaginip lang ako? Dumiin ang pagkakahawak ko sa baso at naibato ko na lang ito. Napahilamos na lang ako sa aking sarili.


"Tang ina! Iniwan ako..iniwan ako...Florence.." ilang beses kong inuumpog sa lamesa ang ulo ko. I did scare her..Tinakot ko ang pinakamamahal kong babae. Gago ka talaga Nero.

Tinabig ko ang lahat ng mga gamit sa lamesa at malakas ko itong pinagsisipa. I made her run away. Dapat mas pinigil ko pa siya, dapat ay mas sinuyo ko pa siya, dapat hindi ko siya hinaras. I'm too damn desperate for her to stay. Tinakot ko ang pinakamamahal kong babae. Tinakot ko siya..

Pilit akong tumayo sa aking kinauupuan. I should get inside and sleep. Baka sakaling mawala na itong tang inang kirot sa dibdib ko.


Nagsimula na akong maglakad papasok ng mansion pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay natumba na ako. Shit! Damn. I'm must be drunk. Umiikot na ang paningin ko. Ilang bote na ba ng alak ang nainom ko? Bakit naapektuhan ang ulo ko? Bakit naapektuhan ng alak ang paningin ko? Bakit hindi na lang ito?! Paulit ulit kong hinahampas na aking kamao ang dibdib ko. Panay pa rin ito sa pagkirot. Fuck.


"Florence..." nasabi ko na naman ang kanyang pangalan nang tumama ang aking mga mata sa malawak at madilim na kalangitan.

There is no moon tonight, the hell I care. There is no Florence tonight, tang ina. She loves the stars and the moon. She loves watching the full moon and I still don't get it why she loves it too much. Can she just love me alone? 'yong walang kaagaw? Bakit pati ang buwan ay nakikiagaw pa sa akin? Nahihirapan na nga siyang mahalin ako, aaagawan pa ako ng atensyon ng buwan.

Napahampas na lang ako sa matigas na semento, nababaliw na siguro ako. Bakit pati buwan ay sinisisi ko.


Ilang minuto siguro akong nanatiling nakahiga sa malamig na semento bago ko napagpasyahang tumayo.

Bahagya akong gumulong pakanan para makatayo pero pakiramdam ko ay may napakabigat na bagay na nakadagan sa akin. I can't damn get up. Fuck!

Napatulala na lang ako sa malawak na swimming pool sa bandang kanan ko.Tang ina! Siya na naman ang nakikita ko.Lahat ng sulok ng mansion ay may alaala niya.

Kahit saan ako tumingin, ang magandang mukha niya lang ang aking nakikita. I can still remember the day I pushed her on this pool, my beautiful Florence..dripping wet with her long wavy hair. Her rolling eyes on me..her sensual lips, her soft skin, her sweet voice, her smile..Damn! I'm longing everything about her.


Pinilit kong gumapang papalapit sa pool. I can see her..she's on the pool. She's on the pool.


"Florence..." pilit kong gustong abutin ang kulay asul na tubig. She's there...she's there waiting for me.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon