Epilogue

16.9K 462 536
                                    

Warning: Trigger Warnings ahead. Please read at your own risk.

Validated

KAEDE

"Hesus maryusep, Vaughn. Bakit ba kasi bigla nalang kayong bumaba ng jeep ko at tumakbo? Paano kung pinaandar ko agad ang jeep noon, edi nadisgrasya pa kayo?! Kayo talagang mga kabataan kayo!" sermon ni tiyo berto sa akin kinabukasan nang magkita kami sa may tindahan.

Kinamot ko ang ulo dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay tiyo ang nangyari kagabi. Naguluhan nga rin ako kung bakit biglang parang takot na takot si Nick sa jeep. Noong pagsakay palang namin ay napansin ko na talagang hindi siya mapakali.

"Pasensya na ho talaga, tiyo. Magkano ho ang pamasahe namin kagabi?"

"Hindi na, hijo. Para namang hindi kita pamangkin. Tsaka naiwan nga pala ang five hundred ng binatang kasama mo. Ibalik mo 'to sa kaniya," kinuha niya ang pitaka sa bulsa at nilabas ang five hundred.

Kaso pinigilan ko agad at binalik iyon sa kaniya.

"Huwag mo ng ibalik 'yan, tiyo. Barya lang 'yan sa lalaking iyon. Iyo nalang 'yan."

"Sigurado ka?"

Natawa ako at tumango. "Mayaman ho 'yon, tiyo. For sure hindi niya rin tatanggapin ulit 'yan kaya iyo nalang ho. Secret nalang natin. Makakatulong ho 'yan sa inyo."

Ngunit ang isiping iyon ay nag-iwan ng mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Na may mga tao talagang maswerteng pinanganak na hindi kailangang paghirapan ang pang-araw-araw na buhay nila. May mga taong katulad ko ang edad o kahit mas bata sa akin na lumaki sa pamilyang kayang tustusan ang pangangailangan nila araw-araw.

Noong bata ako, ang sabi ko sa sarili ko na.. ang unfair naman ng gano'n. Ang ibang bata, hindi nila iniisip ang kahirapan ng buhay. Hindi nila naranasang magbenta ng mga pagkain sa school para may pang baon lang. Hindi nila naranasang gutumin nang sobra dahil wala ng makain. Hindi nila naranasang halos hindi na kayang pag-aralin kaya nagsumikap nang mabuti at humanap ng paraan, makapag-aral lang. Hindi nila naranasan ang naging buhay ko.

At nakakainis pang makita na kung gumastos sila, parang pinupulot lang ang pera. Kung gumastos, all out, bigay na bigay, para maipakita lang na may kaya.

Ang sabi palagi ng mga nakakatanda, kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano magiging pag-asa ng bayan ang isang batang lumaki sa mahirap na pamilya? May amang walang kwenta at puro inom. May inang minalas sa asawa kaya siya ang nagpapakahirap para maghanap ng pagkain, sinasaktan pa kapag walang nahihitang pera ang asawa niya. Paano magiging pag-asa ng bayan ang isang batang halos hindi makapag-aral dahil walang pera? Bata palang, dinanas na ang hirap ng buhay. Bata palang, nanlilimos na.

Ang iba nga nagpapabuntis pa nang maaga. Tapos sino ang bubuhay sa bata? 'yong magulang parin. Saan aasa ng pera at pang bili ng gatas ng anak? Sa magulang parin lalapit. Kaya anong nangyari sa katagang kabataan ang pag-asa ng bayan? Kung halos ang mga kabataan ngayon, bata palang, wala ng patutunguhan ang buhay.

Nakakainis lang na makitang may kaya ang pamilya nilang pag-aralin sila, tapos sinasayang lang. Kami na halos magmakaawa sa magulang, makapag-aral lang, niluluhod at hinihingi sa langit ang buhay na sinasayang nila. Doon ko napagtanto na hindi talaga pantay ang mundo.

Ngunit hindi rin pwedeng maging pantay dahil kailangan iyon para maging balanse. Na may masama, may mabuti. May mahirap, may mayaman. Malas ko lang at napunta ako sa mababa.

"Ano mo ba ang lalaking iyon huh?! Bakit ayaw mong makipagbalikan sa akin?! Dati sarap na sarap ka sa halik ko ah?!"

I straggled from Miko's grasp when he tightened his arms around me to the point that it already hurts.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Where stories live. Discover now