Two

2K 51 0
                                    

Two

Mula sa hallway ay nakikita ko ang isang lalaking papalapit sa kinaruruonan ko, nakaheadset na naglalakad ngunit walang ginagawa ang puso kundi ang magkarera sa loob nito.

What's with this boys, bakit napapaganito niya ang buong sistema ko. Animo'y matagal na siyang kilala ng puso ko kaya ito nagkakaganito.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking iyon at sa paglingon ko sa patutunguhan ko ay may nakatayong babae, na may maamong mukha ang pinagmamasdan ako.

"Your heart know him"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

"Kaya nagwawala ang puso mo ng ganyan dahil matagal na itong nangungulila sa presensyang taglay nang lalaking iyon... Matagal na nitong hinahangad na makita ng lalaking iyon."

"Pero hangang sa pagsunod lang ang kaya kong ibigay sakanya, hindi ko makuha ang gusto ng puso na iyan. Kaya nasa sayo na ito, find him, find that guy. Please..."

At matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang itong naglaho, bigla ako napabangon sa kama at napahawak sa aking dibdib. Nararamdaman ko ang pawis na tumatagaktak sa aking noo.

Napatayo ako sa kama at nagdesisyong lumabas ng kwarto para kumuha ng maiinom. Nasa kitchen na ako ng mapatingin sa malaking orasan na nakasabit roon, alas tres na pala ng madaling araw.

Kumuha ako ng maiinom at dinala iyon sa Sala, binuksan ko ang TV dahil pakiramdam ko ay nawala na ang antok ko dahil sa weird na panaginip na iyon.

Unang tumambad saakin ang mga palabas na walang ka-kwenta-kwenta. Tiningnan ko ang mga Movie namin na nasa ilalim lamang ng table, halos lahat ito ay napanuod ko na, ngunit nag-stick ako sa horror ang palabas since hindi naman ako nahilig sa mga Romance Movie dahil unang una wala naman akong hilig sa salitang Romance.

Sa kalagitnaan na ako ng palabas at alas kwatro na ngayon, nagdesisyon akong kumuha ng ice cream sa refrigerator. Pagbalik ko ay halos mapatalon ako ng makita ko na nakaupo na roon si Shin at nanuod.

Walanghiyang batang ito, ginulat ako.

"Ate bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya saakin na may kasamang pang hikab.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko, bakit hind ka pa natutulog?" tumabi ako sa tabi niya.

"Natulog na ako, kailangan ko kasing magising ng 5 dahil 6 ang class ko..." sagot niya.

"4 pa naman ngayon, matulog ka ulit baka antokin ka sa klase niyo." Sambit ko sakanya.

"Akala ko kasi gising na si Mama, dahil nakakarinig na ako ng ingay sa Sala. Iyon pala ikaw lang, hindi na ako matutulog ate, nagising narin ako. Manunuod na lang ako, pero bawal akong kumain ng Ice Cream dahil magagalit si Mama, dahil hindi pa ako kumakain ng Rice." Mahabang litanya niya.

Napaismid na lamang ako. Parang ako yata ang pinagsasabihan niya ng salitang iyon.

"Ate hindi ba papasok kana rin mamaya?" tanong nito saakin.

"Ou!"

"Ayusin mo A, dapat marami kang maging kaibigan. Tingnan mo ako, ang daming nagbibigay ng mga chocolate saakin dahil mabait ako sakanila."

Parang siya ang mas matanda saamin kung pangaralan ako... Ikaw na ang gwapo Shin, ikaw na!

"O JUSKO LORD!" sabay-sabay kaming napalingon ni Shin dahil sa pagkagulat ni Mama.

"Papatayin niyo ako sa takot mga bata kayo-at tingnan niyo naman yang pinapanuod mo. Nalusot pa sa TV yung Multo, akala ko lulusot na sa TV yang multo. At madaling araw, gising na kayo? Ikaw Shin, sumasali kana naman diyan sa Ate mo? Hindi ko na alam ang gagawin sainyo. Maghahanda muna ako." Sambit ni Mama at tsaka nagtungo sa kusina.

Finding YouWhere stories live. Discover now