Forty Two

755 19 2
                                    

Forty Two

Tulala at wala ako sa sarili ng makarating ako sa opisina.Pansin ko ang kakaibang tingin saakin ni Miss.Tina ng maupo ako. Marahil napansin niya ang pagiiba ng emosyon ko.

"May nangyare ba ija?" tanong niya saakin. Ngumiti lang ako at umiling.

"Wala po."

"Medyo parang nagiba kasi ang mood mo? May nangyare ba sa labas?" tanong niya ulit

Umiling ulit ako at naupo. "Wala naman po. Medyo nainitan lang po siguro ako. Tirik na tirik po kasi ang araw." palusot ko. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko dahil bumalik na siya sa kanyang ginagawa.

Lumipas ang ilang minuto na tulala parin ako at pilit na nilalabanan ang sinabi saakin ni Cheska. Paano niya nalaman? Wala naman akong sinabihan maliban kila Mother Theresa. Napaka-imposible naman na sabihin iyon nila.

Napailing-iling ako.Pero paano niya nalaman? Alam na ba ito ni Raiden?

*~*

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang binabagtas namin ni Raiden ang Bar kung nasaan sila Jel, napagusapan kasi nilang magbabarkada na lumabas. Ayoko sanang sumama pero mapilit sila kaya wala narin akong nagawa.

"Kamusta kana? naupo sa tabi ko Jel

"Doing fine" nakangiting sagot ko

"Si Raiden, inaalagaan kaba niya?"

"I guess" pambibiro ko sakanya

Napangiti siya sa sagot ko at tinungga ulit ang alak. Pinagmasdan ko ang paligid. Medyo tahimik din ang lugar, may soft music lang na pinapatugtog sa buong lugar kaya nakaka-relax. Meron din doong mini stage na walang kumakanta. Napabalik ang tingin ko sakanila na busy sa pakikipagkwentuhan.

Nakakatuwang isipin na parang kailan lang ay mga High School Student lang kami. Hindi ko din lubos maisip na magtatagpo ulit ang mga landas namin. Nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan silang lahat sa ginagawa nila.
Naramdaman ko ang paghawak ni Raiden sa kamay ko. Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko.

"Are you okay?" malambing na tanong niya

Napangiti ako sa inakto niya at tumango...

"Look, may mini stage pala sila dito" sambit ni Jasper. Sabay sabay silang napatingin doon.

"May band equipment din sila" dugtong ni Rio.

"Go?" panunuksong tanong ni Jel. Hindi sila naka-imik at tiningnan lamang ang isasagot ni Raiden. Kinalabit ko si Raiden na nakapikit pala ang mata habang nakasandal saakin.

"What?" malumanay na tanong niya.

"Kinakausap ka nila" sambit ko

"What?" iritableng sambit niya.

"Irita ka kaagad? We want to play" ininguso ni Jasper ang stage. Mukhang nakuha din naman ni Raiden ang gusto niyang mangyare pero humindi ito.

"Why?" tanong ni Rio

"Pagod ako" sagot niya

"Kami din naman pagod..." sagot ni Jel. Komportable ulit na napaupo si Riaden at sumandal saakin at tsaka niya ipinikit ang mata.

Sinensyasan kaagad ako nila Jasper na pilitin siya, pero dahil sa gusto ko ring makita silang magperform sa harap ko pinilit ko si Raiden.

Napangiti ako ng nasa harap na sila ng entablado, lahat sila ay naka-tuxedo dahil galing pa sila ng opisina. Mukhang total performer ang mga itsura nila ngayon. Kapansin-pansin din na nakuha nila ang atensyon ng mga tao dahil halos lahat ay nakatitig at nakatingin na sakanila.

Finding YouWhere stories live. Discover now